Samahan ng Lusog-Baga sa bawat diyosesis, pinaigting ng health ministry ng simbahan

SHARE THE TRUTH

 2,288 total views

Pinalalawak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang programa upang isulong sa buong bansa ang pagkakaroon ng malusog na baga.

Ito’y ang Samahan ng Lusog-Baga (SLB) na binubuo ng mga pasyenteng gumaling sa Tuberculosis at iba pang karamdaman sa baga na layong ipalaganap ang mga kaalaman at pamamaraan upang makaiwas sa nakahahawang sakit.

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary Fr. Dan Cancino, MI, sinimulan ang SLB noong 2015, kung saan umabot na sa 13-chapter ang naitatag sa iba’t ibang arkidiyosesis at diyosesis sa buong bansa.

“Itong Samahang Lusog-Baga ay SEC [Securities and Exchange Commission] registered na ito under ng CBCP-Healthcare commission… This is made up of TB survivors, at the same time, ‘yung TB educators at parish-based volunteers natin. So, dito sila sumasama kasi inihahanda din natin ‘yung ating mga sarili sa totoong kaganapan ng Universal Health Care,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Kabilang sa mga lugar na may sangay ng SLB ay ang Archdiocese of Manila; Diocese of Cubao; Diocese of San Pablo, Laguna; Diocese of Lucena, Quezon; Archdiocese of Lipa, Batangas; Diocese of Balanga, Bataan; Archdiocese of Cebu, at Diocese of Mati, Davao Oriental.

Sinabi ni Fr. Cancino na nakatakda namang magtatag ng bagong SLB chapter sa Western Visayas Dioceses, partikular na sa Bacolod, Iloilo, Antique, at Capiz; at inaasahang madadagdagan pa para maipalaganap ang kaligtasan ng mamamayan mula sa epekto ng TB.

“Ito rin ay isang venue para magpalaganap ng Mabuting Balita. Nagkakaroon sila ngayon ng samahan para magbigay-kalinga din sa mga maysakit sa ospital at sa kanilang mga bahay. ito ay isang kongkretong hakbang talaga na ipinapakita ang layunin ng synod on synodality,” ayon kay Fr. Cancino.

Umaasa rin ang pari na sa pamamagitan ng SLB ay maiiwasan na ang diskriminasyon sa mga pasyenteng mayroong TB, at higit na maipadama ang pagmamalasakit na tiyak na makakatulong sa kanilang agarang paggaling.

Paalala naman ni Fr. Cancino sa publiko na sakaling magkaroon ng sintomas tulad ng pag-ubo na uamabot na sa dalawang linggo ay huwag mag-atubiling magpakonsulta sa mga dalubhasa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GAME OF CHANCE

 38,398 total views

 38,398 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 53,949 total views

 53,949 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 67,311 total views

 67,311 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 81,756 total views

 81,756 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 99,145 total views

 99,145 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mga layko, pinasasalamatan ng simbahan

 18,830 total views

 18,830 total views Ipinaabot ni Rev. Fr. Gregory Gaston – rector ng Pontificio Collegio Filippino ang pasasalamat ng Simbahan sa mga layko. Ayon sa Pari na

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top