228 total views
Palalakasin at paiigtingin ng Archdiocese of Manila ang pagpapalaganap ng kaalaman mula sa banta at pagtugon sa mga kalamidad.
Sa pangunguna ni Msgr, Clemente Ignacio, vicar general ng Archdiocese of Manila kasama ang Caritas Manila, Radyo Veritas at Disaster Risk Reduction and Management Ministry ng Quiapo Church ay nagkaisa para bumuo ng Church based Disaster Risk Reduction and Management Program sa mga Parokya ng Archdiocese of Manila, mga Dioceses sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.
Iginiit ni Msgr. Ignacio ang kahalagahan na palakasin pa ng Simbahan ang kahandaan nito sa mga nagaganap na kalamidad lalo na’t isa ito sa mga institusyon na may malawak na resources.
“Church has something to contribute because of its people, social resources and its material and spiritual resources.,Which is part of disaster response na magbabalik ng community. Ang approach ngayon sa disaster in the international scene is to involve the faith based (organizations) kasi malaki ang role natin sa mga communities.”pahayag ni Msgr, Ignacio.
Kaugnay nito, naniniwala naman si Fr. Ricardo Valencia, Priest Minister ng Disaster Risk Reduction and Management Ministry ng Archdiocese of Manila na kailangan ang maagap na tugon ng Simbahan sa mga biktima ng kalamidad.
“We need to do this kind of activities to prepare ourselves because in time of disasters, victims and the whole community look to the church for response and care”pahayag ni Fr. Valencia
Batay sa pag-aaral ng UN noong 2015, ika-apat ang Pilipinas sa mga pinaka vulnerable na bansa sa mga kalamidad.