Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, nanawagan sa DOLE na tuluyang wakasan ang ENDO

SHARE THE TRUTH

 348 total views

Nanatili ang paninindigan ng Simbahang Katolika sa kampanya ng pamahalaan laban sa patuloy na umiiral na contractualization sa bansa.

Ayon kay Archdiocese of Manila Ministry on Labor Concern director Rev. Father Eric Adoviso, umaasa ang mga manggagawang kontraktuwal sa ipinapangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na wawakasan nito ang ENDO o “end of contract” sa Pilipinas.

“Hamon sa kanya (Pangulong Rodrigo Duterte) yan sapagkat siya’y unang presidente na nagsabi na tatapusin niya yung ENDO,” pahayag ni Father Adoviso sa panayam ng Veritas Patrol.

Sinabi pa ni Fr. Adoviso na mananatiling kakampi ng mga uring manggagawa na inaapi ng mga kapitalista ang Simbahan sa pangangalampag sa Department of Labor and Employment ang mga negosyante na sumumod sa batas.

“Bilang taong Simbahan at bilang director ng Ministry of Labor Concern, ang kakatigan ko lang ang turo ng Simbahan na mas mahalaga ang tao kaysa sa kapital. Pero ang nangyayari sa buong daigdig na tinatabi ang tao at pinapahalagahan ang kapital, tinatabi ang tao at pinapahalagahan ang makina, tinatabi ang tao at pinapahalagahan ang pera,” paliwanag ni Father Adoviso sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, nagsagawa ng isang banal na misa ang RCAM – Ministry on Labor Concern sa harapan ng tanggapan ng DOLE upang ipanawagan ang agarang pagpapasara sa mga kumpanya na nagpapairal ng kontraktuwalisasyon.

Samantala, ipinanawagan rin ng 180 empleyado ng CAVITEX – PEA Tollway Corporation sa DOLE na nawalan ng trabaho na gawin silang regular matapos silang sisantihin dahil sa bago nitong pamunuan sa ilalim ng Metro Pacific Tollway Corporation sa pangunguna ni Manny Pangilinan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 44,477 total views

 44,477 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 64,162 total views

 64,162 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 102,105 total views

 102,105 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 120,088 total views

 120,088 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

Senado, kinundena ng BIEN

 7,137 total views

 7,137 total views Kinundena ng BPO Industry Employees Network (BIEN) ang naging hakbang ng Senado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment case laban kay Vice-president Sara

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 89,231 total views

 89,231 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 115,045 total views

 115,045 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 149,241 total views

 149,241 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567