Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Soberenya ng Pilipinas, igalang ng Amerika at China

SHARE THE TRUTH

 333 total views

Nanawagan ang Non-Government Organization na Defend Zambales sa Amerika at China na irespeto ang Pilipinas sa usapin ng pangangalaga sa West Philippine Sea.

Ayon kay Angelito Jaban – Coordinator ng grupo, labis na naiipit ang bansa sa girian ng dalawang malalaking puwersa at tiyak na wala itong kakayahan na labanan ang US at China.

“Ang nangyayaring awayan, ay awayan ng dalawang super powers ng malalaking bansa, so sana irespect yung totoong soberanya yung right to self determination ng Pilipinas, irespect nila pareho, pabayaan ang Pilipinas na magpasya sa kanyang sarili,” pahayag ni Jaban sa Radyo Veritas.

Pakiusap pa nito sa dalawang bansa na igalang ang karapatan ng Pilipinas na pangalagaan ang malawak na marine biodiversity sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal.

Habang nasa Lima,Peru ang pangulong Rodrigo Duterte para sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit, inihayag ng pangulo na plano nitong maglabas ng Executive Order na magdedeklara sa lagoon na nasa loob ng 150 km2 Panatag Shoal o Sacarborough Shoal bilang Marine Sanctuary.

Kapag naipatupad ito, hindi na maaaring makapangisda ang mga Filipino at ang mga Chinese sa isla at sa malalalim na bahagi na lamang ng karagatan maaaring manghuli ng isda.

Dahil dito, iginiit ni Jaban, na dapat pag-aralan ng pamahalaan at timbangin ang magiging epekto ng deklarasyon ng Panatag Shoal bilang Marine Sanctuary sa mga mangingisda dito.

“Magandang mapag-isipan para saan, para kanino ba itong sanctuary na ito, at ano ba ang mga polisiya o batas na nasa likod nito, at saan patutungo ito?” dagdag ni Jaban.

Samantala, sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na positibo ang tugon ng China sa plano ni President Duterte na pagpapaigting ng pangangalaga sa karagatan at sa buhay na naririto.

Una nang binigyang diin ni Pope Francis sa laudato Si ang kahalagahan ng pagtutulong tulong ng bawat bansa upang mapangalagaan ang kalikasan laban sa unti-unting pagkasira nito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 12,615 total views

 12,615 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 20,715 total views

 20,715 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 38,682 total views

 38,682 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 67,965 total views

 67,965 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 88,542 total views

 88,542 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Veritas NewMedia

Pagpaslang sa Forest Ranger, kinondena

 43,452 total views

 43,452 total views Kinondena ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) ang pagpatay kay Department of Environment and Natural Resouces (DENR) Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla, Jr.

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Sagipin ang kalikasan

 43,470 total views

 43,470 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kagyat na pagbabago para sa kalikasan. Sa inilabas na Pastoral Statement on the Environment

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top