Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 406 total views

Homiliya Para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 19 Enero 2023, Heb 7:25-8:6, Mk 3:7-12

Walang pangalan ang may-akda ng sulat sa ating Unang Pagbasa. Kilala lang natin siya bilang awtor ng “Liham sa mga Hebreo.” Nagtataka lang ako, kung para sa mga Hebreo ito bakit kaya isinulat niya sa salitang Griyego imbes na Hebreo? Para kang sumulat para sa mga Tagalog pero sa wikang Ingles.

May malakas na kutob ako na isang dating pari o saserdote ng templo ang awtor na ito, bago siya naging alagad ni Kristo. Palagay ko nagsulat siya noong nawasak ang templo matapos na lusubin ng mga Romans ang siyudad ng Jerusalem noong 70AD, dahil sa pag-aaklas ng mga Hudyo. Mararamdaman mo sa tono ng awtor na pari siya, gayundin sa bokabularyo at mga halimbawa niya.

May pakiramdam ako na bago pa nawasak ang templo, nagdanas na siya ng krisis sa kanyang pagkapari dahil tumalab sa kanya ang mga salita ni Hesus ng Nazareth. Palagay ko dati siyang kabilang sa mga paring sa una ay nakabangga ni Hesus, lalo na nang gumawa si Hesus ng eksena sa templo at pinagtataboy ang mga nangangalakal doon. Pinakinggan siguro niya nang husto ang mga turo ni Hesus at parang naguluhan siya. Dahil doon, parang nawalan ng kahulugan ang pagkapari para sa kanya.

Alam naman niya na hindi pari si Hesus. Hindi siya galing sa angkan ng mga saserdoteng katulad ni Zacarias. Sa totoo lang, ang mas may karapatan na tawaging pari ay si Juan Bautista.

Alam ng awtor ng Sulat na ito kung ano ang gawain ng pari. “Mediator” baga, o tagapamagitan. Parang tulay sa pagitan ng Diyos at tao. Responsibilidad ng pari ang mag-alay ng sakripisyo sa templo para ihingi ng tawad ang mga taong nagkasala dahil lumabag sa kautusan.

Kumbaga sa pagitan ng mag-asawang hindi magkabati, siya ang counselor na tutulong para mapanumbalik ang relasyon nila sa isa’t isa bilang mag-asawang nagsumpaan. Ang nagtaksil o nagkasala o lumabag sa kasunduan ang humihingi ng tulong sa pari upang mamagitan. Pero matapos niyang mapakinggan si Hesus siguro nasabi niya sa sarili niya, “Paano ako mamamagitan kung makasalanan din akong tao? Ano ang karapatan ko?”

Kaya pala ang mga saserdote sa templo ay naghahandog ng sakripisyo hindi lang para sa kasalanan ng bayan kundi para din sa sariling kasalanan. Kaya kailangan nilang ulit-ulitin ang paghahandog ng sakripisyo, dahil paulit-ulit din ang pagkakasala ng tao o paglabag sa kasunduan.

Dito nakita ng awtor ang pagkakaiba ni Kristo bilang Pari at Tagapamagitan. Hindi siya pari pero niyakap niya ang papel ng kaisa-isang paring pwedeng mamagitan upang makalapit ang tao sa Diyos at ang Diyos sa tao.

Ito ang narinig natin sa ating ebanghelyo. Dumagsa daw ang napakaraming taong pilit na lumalapit kay Hesus. Dahil naririnig nila ang Diyos sa kanya. Pakiramdam nila nahahaplos nila ang Diyos sa kanya at nahahaplos sila ng Diyos sa pamamagitan niya. Bakit? Kasi naliliwanagan sila, gumagaling sila; gumiginhawa ang pakiramdam nila, lumalaya sila sa masasamang espiritu.

Siya lang ang pwedeng pumapel na pari; siya lang ang pwedeng magsilbi bilang tulay. Ang sakripisyo niya ay minsanan—hindi dugo ng hayop kundi sariling dugo. Sa kanya nila nakita ang daan ng kaligtasan, ng mas mabisang pakikipagkasundo, daan ng kapatawaran. Ang daan o hagdan o tulay na ito ay walang iba kundi siya mismo.

Ito ang nagpabago sa paningin ng awtor na ito sa pagkapari. Tinubuan siya ng pag-asa dahil kay Kristo. Oo, makasalanan pa rin tayo; wala pa ring karapatan na mamagitan sa Diyos at sa kapwa-tao. Sa sariling ngalan natin talagang hindi pwede. Pero sa ngalan ni Hesus, pwede! Iyon ang good news!

Kaya pala sa lahat ng panalangin natin ang laging conclusion ay “Hinihiling namin ito sa Ngalan ni Hesukristong aming Panginoon na nabubuhay kasama mo at ng Espiritu Santo…” Sa kanyang pagkaDiyos puwede niyang iugnay ang Diyos sa tao. At sa kanyang pagkatao, pwede niyang iugnay ang tao sa Diyos. Di ba sinabi ni San Pablo sa sulat niya sa mga taga-Filipos: siya ang Diyos na nagpakumbaba at naging kawangis ng tao, nagpakababa hanggang kamatayan sa krus. Kaya daw itinaas siya ng Diyos at binigyan ng “pangalang higit sa lahat ng mga pangalan.” (Filipos 2:1-11)

Sa sariling ngalan natin, hindi natin kayang mamagitan. Pero sa ngalan ni Hesus, pwede. Kaya pala sinasabi ng manunulat: hindi man tayo pari, pwede tayong makipagkaisa sa pagkapari niya at mamagitan sa ngalan niya, basta nakaugnay tayo sa kanya na parang mga sanga ng iisang puno. Pero hiwalay sa kanya, wala tayong magagawa.

Ito ang dahilan kung bakit madalas kong sinasabi sa inyo na mali na ituring nating mababa ang ating pagkatao. Mataas ang dangal ng tao. Kalarawan tayo ng Diyos. At lalo pa nyang itinaas nang magkatawang-tao ang Diyos kay Kristo. Hindi na pagsunod lang sa batas ang magpapanumbalik sa ating dangal, kundi ang pagsunod kay Kristo bilang ating kaibigan at kapanalig. Pakikipagkaisang puso at diwa sa kanya, ang Anak ng Diyos na yumakap sa atin bilang kanyang mga kapatid upang matuto tayong tumawag sa kanyang Ama bilang ating Ama.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 41,392 total views

 41,392 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 62,119 total views

 62,119 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 70,434 total views

 70,434 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 88,542 total views

 88,542 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 104,693 total views

 104,693 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

TEARS

 6,317 total views

 6,317 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSALUBONG

 8,675 total views

 8,675 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 20,649 total views

 20,649 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAIN NA

 9,536 total views

 9,536 total views Homiliya para sa Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon Huwebes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong gabing ito, ipinagdiriwang natin ang tatlong malalalim na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

FULFILL YOUR MINISTRY

 8,646 total views

 8,646 total views Homily for Chrism Mass 2025 My dear brother priests and our beloved priestly people, magandang umaga po sa inyong lahat. Every year, on

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAPANATAGAN NG LOOB

 16,205 total views

 16,205 total views Homiliya para sa Linggo ng Palaspas, 13 Abril 2025, Lukas 22-23 Salamat sa Diyos at inalis na ang parusang kamatayan sa ating batas

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 4,380 total views

 4,380 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSAMBANG NAGPAPALAYA

 4,382 total views

 4,382 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma 9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42 Sapat na sana para

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 4,549 total views

 4,549 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 5,095 total views

 5,095 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 5,740 total views

 5,740 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 12,925 total views

 12,925 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 7,633 total views

 7,633 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 11,386 total views

 11,386 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top