Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Unang priests ordination, itinuturing na biyaya ng Obispo ng Kidapawan.

SHARE THE TRUTH

 322 total views

Itinuturing na regalo mula sa Diyos ang kauna-unahang ordination na ginawa ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo mula nang maitalagang Obispo ng Diocese.

“Gift to the church, it’s a grace from God. Pray for the Lord of the harvest that he would send forth laborers into his harvest.Luke 10:2.”mensahe ng Obispo

Ayon kay Bishop Bagaforo, sumentro ang kanyang homiliya sa kahalagahan ng mensahe dahil ang mga pari ang nagsisilbing medium ng mga pagninilay at salita ng Diyos.

Iginiit din ng Obispo ang kahalagahan ng pagsama ng mga pari sa kanyang sambayanan na maging kaisa sa kanilang paglalakbay sa buhay bilang tao at bilang katoliko.

Ipinaalala ni Bishop Bagaforo sa mga inordinahang pari na maging isang tunay na pastol at magkaroon ng puso tulad ni Hesus para sa kanyang pinapastulan.

“My homily was reminder of 3 things; 1. The medium is the message… the priests’ lives are reflections of d gospel. 2. Walk with your people, be with your people. 3. Be shepherds after the heart of Jesus.”bahagi ng homiliya ni Bishop Bagaforo.

Inordinahan ni Bishop Bagaforo si Father Rodel Balansag at Father Philip Bernaldez sa Mary Mediatrix of All Grace cathedral sa Kidapawan city na dinaluhan ng 100-pari.

Nagtapos ng Theology studies ang dalawang pari sa St. Francis Xavier Regional Major Seminary.

Ang Diocese of Kidapawan ay mayroong 798-libong Katoliko o katumbas ng 29.3-porsiyento ng catholic population.

Samantala naiatalaga ngang bago at ikaanim na obispo ng Diocese nG Kidapwan si Bishop Bagaforo noong ika-8 ng Setyembre 2016 .

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 34,154 total views

 34,154 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 48,213 total views

 48,213 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 66,785 total views

 66,785 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 91,388 total views

 91,388 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 80,172 total views

 80,172 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 105,986 total views

 105,986 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 141,965 total views

 141,965 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567