Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

1,200 siklista, nakiisa sa “Bike 4 Kalikasan”

SHARE THE TRUTH

 750 total views

Dinaluhan ng 1,200 siklista ang kauna-unahang Bike 4 Kalikasan ng humanitarian at social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ganap na alas-singko ng umaga nitong October 8, 2022 nang magsimula ang bike caravan sa pangunguna ni NASSA/Caritas Philippines National Director at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kung saan binagtas ang 32-kilometro mula Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila patungo sa La Mesa Dam Nature Reserve Park sa Quezon City.

Tiwala si Bishop Bagaforo na ang inilunsad na bike for a cause ay magdulot ng mabuting epekto at magsilbing halimbawa upang gampanan ng bawat isa ang layuning pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan.

“Sana sa pamamagitan nito ay will be able to express across to everyone ‘yung ating adbokasiya at ‘yung ating panawagan na napakahalaga ng ating kalikasan. Ginagawa natin ito in order to highlight at tsaka bigyan ng emphasis ‘yung climate crisis natin sa buong mundo,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Kasunod nito ay nagtanim ng 500 bamboo seedlings ang Caritas Philippines sa Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region Nursery Area sa bahagi rin ng La Mesa Dam Nature Reserve Park.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na ang kawayan, maliban sa kakayahan nitong linisin ang hangin ay makakatulong din upang pagkunan ng hanapbuhay at pagkakakitaan ng mamamayan.

Dagdag pa ng Obispo na nasa 11 diyosesis na ang tumugon sa ganitong inisyatibo at nilalayong makapagtanim at makapagpayabong ng nasa limang milyong puno sa loob ng limang taon.

“This will become an avenue for social enterprise at higit sa lahat ay ‘yung ating tugon sa poverty alleviation… Kung meron kayong pagkakataon in your own small community, influence, barangay, o di kaya mayroon kayong mga lupa na walang tanim, kung maaari ay taniman natin higit sa lahat ng bamboo. Sapagkat ayon sa mga environmentalist, malaki ang nadudulot na oxygen supply ng mg kawayan sa ating kalikasan,” saad ni Bishop Bagaforo.

Nakiisa rin sa bike caravan si Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio kung saan kanyang pinamunuan ang pambungad na panalangin bago magsimula ang gawain.

Pinuri ni Bishop Florencio ang inisyatibo ng NASSA/Caritas Philippines kung saan kanyang ibinahagi na tungkulin ng mga obispo, pari, at mga layko na isulong ang adbokasiya ng pangangalaga sa nag-iisang tahanan bilang pagmamalasakit din sa kapakanan ng mga susunod pang henerasyon.

“Ito po ay nagbibigay sa atin ng impression that all of us gathered together-bishops, priests, and mga layko na talagang sinusulong natin itong pagmamahal sa environment. Dahil ito ay mayroon tayong pananagutan sa future generations hindi lang ‘yung ngayon but ‘yung incoming generations. So, that’s why nandito po ako upang ilahad sa buong mundo, buong bansa na we are here for this bike for kalikasan,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, umaasa si Bishop Bagaforo na magtutuloy-tuloy ang gawaing ito hanggang sa mga susunod na taon upang mas lumawig at umigting pa ang adbokasiya para sa inang kalikasan.

Pinasalamatan naman ni Bishop Bagaforo ang mga nakiisa at naging bahagi ng programa lalo na sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila at Quezon City, at Department of Environment and Natural Resources.

Ang Bike 4 Kalikasan ay bahagi ng pagdiriwang ng simbahan sa Season of Creation na hinihimok ang bawat isa na panibaguhin ang pangako ng pangangalaga sa kalikasan upang mas maging epektibong katiwala ng mga nilikha ng Diyos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE INJUSTICE

 9,246 total views

 9,246 total views Kapanalig, ang climate injustice ay matagal ng pinapasan ng mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas. Sa encyclical na “Laudato Si’, Ang sangkatauhan

Read More »

Promotor ng sugal

 25,197 total views

 25,197 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 39,908 total views

 39,908 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 52,717 total views

 52,717 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 126,922 total views

 126,922 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

ATM, dismayado sa mga Senador

 10,241 total views

 10,241 total views Dismayado ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa desisyon ng Senado na isantabi ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay

Read More »

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 39,871 total views

 39,871 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »
1234567