Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Publiko, pinag-iingat sa dumaraming kaso ng Dengue

SHARE THE TRUTH

 5,103 total views

Muling pinaalalahanan ng mga dalubhasa ang publiko na mag-ingat laban sa sakit na dengue.

Ito ay makaraang maitala sa 94% na pagtaas sa kaso ng dengue ngayong taon, kumpara sa nakaraang taon ayon sa Department of Health.

Sa panayam ng Veritas Pilipinas kay Dr. Rey Salinel Jr.-Diplomate and Fellow Philippine Academy of Family Physician Chairman Hospital Infection Prevention Control Unit, ito ay dulot na rin ng pabago-bagong panahon.

Sa tala ng DoH, tumaas ng 27,000 ang bilang ng naitalng kaso mula sa dating 14,000 kaso ng dengue noong nakaraang taon.

“Alam naman po natin na ibang klase yung panahon natin kaya po siguro dumarami ang breeding ground dahil nga po sa pabago-bagong panahon yung climate change nga po natin,” ayon kay Salinel.

Isa rin sa dahilan ng mataas na kaso ng dengue ngayong taon ay ang mobilization ng mga tao kung saan maluwag na ang pagpunta sa mga lugar na mataas ang bilang ng kaso ng dengue at walang sapat na proteksyon.

Ayon sa datos taong 2019 ang may pinakamataas na kaso ng ulat ng namatay sa dengue na umabot ng 2,775.

With News Intern: Rey Angelo Miguel Bacoy

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,417 total views

 28,417 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,517 total views

 36,517 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,484 total views

 54,484 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,518 total views

 83,518 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,095 total views

 104,095 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top