Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tutukan ang Pagsasaayos ng irrigation canals, hamon ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 3,263 total views

Hinikayat ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc ang pamahalaan na pagtuunan ang pagpapabuti sa mga irrigation canals bilang paghahanda sa epekto ng El Niño Phenomenon.

Ayon kay Bishop Dimoc, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples, karamihan sa mga katutubong magsasaka ang nangangamba dahil maaapektuhan ng labis na tag-init ang kanilang mga taniman.

Dati nang nanawagan ang mga magsasaka sa National Irrigation Administration para tugunan ang pagkakaroon nang maayos na patubig sa mga sakahan.

Sinabi ni Bishop Dimoc na may ilang irrigation projects ang tinupad ng NIA ngunit karamihan naman sa mga ito ang hindi gumagana.

“Kung kulang ang tubig para sa mga farmers, tanungin ang NIA kung ano ginawa nila sa pangangailangan ng farmers na irrigation canals. May alam ako na irrigation canal projects na worth hundreds of millions pero hindi functional. Alam ‘yan ng Commission on Audit dahil nakipag-participate ako sa Participatory Auditing pero no one was held accountable.” pahayag ni Bishop Dimoc sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang-pansin din ng Obispo ang patuloy na pagpuputol ng mga puno sa kagubatan kaya’t nababawasan na rin ang antas ng tubig sa mga watershed.

Iginiit ni Bishop Dimoc na dapat bantayan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga ganitong uri ng gawain sapagkat higit pa itong makadaragdag sa lumalalang epekto ng climate change kapag tuluyang naubos ang kagubatan at mapagkukunan ng tubig.

“Legal and illegal logging for several decades ang nangyayari kaya madali na gawing kaingin ang forest kasi wala ng malalaking puno. I know of an area na hundreds of hectares na Mossy Forest or Cloud Forest (high elevation na more than 1,000 meters above sea level) pero na convert into vegetable gardens.” giit ni Bishop Dimoc.

Taong 2019 nang huling umiral ang El Niño sa bansa kung saan nag-iwan ito ng halos P8-bilyong halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 28,359 total views

 28,359 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 39,523 total views

 39,523 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 75,722 total views

 75,722 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 93,524 total views

 93,524 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567