Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo ng Balanga, itinalagang bagong Obispo ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

 3,733 total views

Itinalaga ng Santo Papa Francisco si Balanga Bishop Ruperto Santos bilang pinunong pastol ng Diocese of Antipolo.

Ito’y makaraang tanggapin ng Santo Papa ang pagretiro ni Antipolo Bishop Francisco de Leon ng maabot ang mandatory retirement age na 75 taong gulang.

Si Bishop Santos ay ipinanganak noong October 30, 1957 sa San Rafael Bulacan at naghubog sa pagpapari sa San Carlos Seminary at naordinahan September 10, 1983.

Sa halos apat na dekadang pari ilan sa mga naging tungkulin nito ang deputy parish priest ng Immaculate Conception, chaplain ng Pasig Catholic College at kura paroko ng Maybunga.

Kumuha ng licentiate ng history sa Pontifical Gregorian University sa Roma at naging professor ng Church history sa San Carlos Seminary habang naging rector at superior ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma bago italagang obispo ng Balanga noong April 1, 2010.

Bukod sa pagiging obispo ng halos 13 taon sa Bataan pinamumuan din ni Bishop Santos ang ilang tanggapan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kung saan sa kasalukuyan itong Chairman sa Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino at Vice Chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples.

Bukod pa rito si Bishop Santos din ang Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines ang grupong nangangalaga sa kapakanan at karapatan ng Filipino Seafarers habang ito rin ang episcopal coordinator ng Divine Mercy Philippines and Asia.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,495 total views

 27,495 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 35,595 total views

 35,595 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,562 total views

 53,562 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,608 total views

 82,608 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,185 total views

 103,185 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,181 total views

 5,181 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,788 total views

 10,788 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,943 total views

 15,943 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top