Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

31 priority bills ng administrasyong Marcos, naipasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso

SHARE THE TRUTH

 1,656 total views

Tatlumput isa sa kabuuang 42 priority bills ng administrasyon ang naipasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa loob ng wala pang isang taong pagdinig sa kamara.

Ang mga panukalang pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ay mga kabilang sa mga panukalang tinukoy ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Kabilang na ang 30-year National Infrastructure Program Bill at National Land Use Act.

“As of today, we have achieved a significant part of our goal in less than a year of session.” ayon kay Romualdez.

Ang mga panukala ayon pa kay Romualdez ay layuning suportahan ang administrasyon upang makamit ang inaasam na pag-unlad at karagdagang pagkakakitaan at trabaho para sa mga Filipino.

“It would institutionalize the ‘Build Better More’ program of President Ferdinand Marcos Jr. to support a strong economy through a resilient and reliable national infrastructure network.” dagdag pa ng mambabatas.

Sa 42 LEDAC bills, tatlo sa mga ito ang nilagdaan at ipinapatupad kabilang na ang SIM (subscriber identify module) Registration Act, ang pagpapaliban ng barangay atSangguniang Kabataan elections na isasakatuparan sa Oktubre at ang pag-mayenda sa batas kaugnay sa ‘fixed term’ ng Armed Forces of the Philippines chief of staff at iba pang high-ranking officers.

Naisumite naman na sa Malacañang ang panukalang pagsasantabi sa mga hindi nabayarang pagkakautang ng agrarian reform beneficiaries kasama na ang mga multa.

Ilan pang naaprubahan sa kamara ang mga panukala tulad ng Magna Carta of Seafarers, E-Governance Act / E Government Act, Negros Island Region, Virology Institute of the Philippines, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act, National Disease Prevention Management Authority or Center for Disease Control and Prevention, at Waste-to-Energy Bill.

Gayundin ang Build-Operate-Transfer (BOT) Law, Magna Carta of Barangay Health Workers, at National Government Rightsizing.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,094 total views

 27,094 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 35,194 total views

 35,194 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,161 total views

 53,161 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,213 total views

 82,213 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 102,790 total views

 102,790 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top