Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamilya ng mga biktima ng EJK, hindi pinababayaan ng Arnold Janssen Foundation

SHARE THE TRUTH

 1,927 total views

Tiniyak ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang patuloy na suporta sa pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings.

Ayon kay Fr. Flavie Villanueva, SVD, ang tagapagtatag at pangulo ng organisasyon na layunin nitong tulungan ang mga naulilang pamilya sa paghilom bunsod ng biglaang pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

“Napakahalaga ng ginagawa nating pagbabalik ng labi ng mga mahal nila sa buhay na ninakaw ng biglaan…The healing continues and bringing home the urns of their loved ones plays a very critical role in that process of healing.” pahayag ni Fr. Villanueva sa panayam ng Radio Veritas.

Batid ng pari ang sakit na nararanasan ng mga naiwang pamilya na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakakamtan ang katarungan anim na taon makalipas ang pagpaslang.

“During the wake there was threat, there was trauma, there was no trust made available for them so that means they were unable to grieve.” ani ng pari.

Sinabi ng pari na ang Daluyan sa Paghilom sa ilalim ng Program Arise sa Paghilom Program ng mga SVD ay paraan ng simbahan sa pagpapadama ng diwa ng pag-ibig ni kristo sa mga nagdadalamhati.

Pinasimulan ni Fr. Villanueva ang Paghilom Program noong 2016 sa paglunsad ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan hinati ang programa sa pitong bahagi ang: vetting and its analysis, 9 Saturdays of Psycho-spiritual intervention; legal documentation; education and livelihood assistance for orphans and widows; capacity building for identified leaders and; project arise.

Kabilang sa Project Arise ang paghukay sa mga labi, autopsy sa pangunguna ni Forensic expert Dr. Raquel Fortun, cremation sa mga labi at turnover sa mga pamilya gayundin ang pagbibigay ng disenteng himlayan.

“Hopefully in 3 months we have finalize the design and renovated the structure we could bury the urns in batches in a columbarium and the first EJK memorial.” saad ni Fr. Villanueva.

Suportado ng pari ang patuloy na imbestigasyon ng International Criminal Court sa kaso ng EJKs sa bansa na ayon sa datos ng human rights groups ay humigit kumulang sa 30, 000 taliwas sa anim na libong tala ng PNP.

“Makakamit natin yung katarungan kapag sinimulan nating hilumin ang ating sarili nariyan ang Diyos para tayo ay gabayan at tulungan sa healing.” giit ni Fr. Villanueva.

Pinangunahan ni Fr. Villanueva ang pagbabasbas sa urn ng cremated remains ng anim na EJK victims sa Sacred Heart Shrine Parish sa Quezon City.

Naging panauhin din sa pagtitipon si The Netherlands Ambassador to the Philippines Marielle Geraedts na katuwang sa pag turnover ng mga urn.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 9,059 total views

 9,059 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,159 total views

 17,159 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,126 total views

 35,126 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 64,454 total views

 64,454 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,031 total views

 85,031 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,421 total views

 3,421 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,029 total views

 9,029 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,184 total views

 14,184 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top