Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malinis at tapat na SK Barangay election, panawagan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 3,934 total views

Nanawagan ang Caritas Philippines sa isang malinis at matapat na halalan sa bansa sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.

Ito ang mensahe ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pangulo ng social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pagdiriwang ng 125th Independence Day ng Pilipinas.

“On this momentous occasion of our 125th Independence Day, Caritas Philippines strongly advocates for a cleaner and more transparent election process.” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Naniniwala ang opisyal na sa paghalal ng lider ng pamayanan ay kinakailangang makibahagi ang bawat isa upang higit maitaguyod ang katarungang panlipunan, pangangalaga sa kalikasan at pagpapanatili ng kapayapaan sa pamayanan.

“We believe that genuine democracy is built on the foundations of integrity and social responsibility. We must elect leaders who are committed to upholding democratic values, promoting good governance, and championing social justice. By exercising our right to vote wisely, we can actively shape the future of our nation.” ani ng opisyal.

Alinsunod sa tema ng pagdiriwang ngayong taon na “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan” sinabi ni Bishop Bagaforo na mahalaga ang pakikiisa ng taumbayan sa pagpili ng mga mamumuno para sa kinabukasan ng bayan sa mga susunod na henerasyon.

Tiniyak ni Bishop Bagaforo na pinaiigting ng simbahan sa pangungua ng Caritas Philippines ang mga programang magpapalaya sa mga Pilipino sa kahirapan, kawalang katarungan at iba pang hamong nagpapahirap sa mamamayan sa pamamagitan ng 7 Alay Kapwa Legacy Programs.

Apela ng opisyal sa bawat Pilipino na magtulungang isulong ang pantay na karapatan ng mamamayan upang tunay na mamuhay na malaya at may dignidad.

“Caritas Philippines remains steadfast in its commitment to advancing the welfare of the Filipino people, upholding democratic values, and nurturing a society rooted in justice and compassion.” dagdag ni Bishop Bagaforo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 9,828 total views

 9,828 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 28,399 total views

 28,399 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 53,852 total views

 53,852 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 64,653 total views

 64,653 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 4,154 total views

 4,154 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567