Pagtatayo ng mission stations sa Diocese of Legazpi, pinalawak ni Bishop Baylon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,865 total views

Pinaiigting ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang misyon ng simbahan sa nasasakupang kawan.

Itinatag ng Diocese of Legazpi nitong July 1, 2023 ang tatlong bagong mission churches na makatutulong sa paghuhubog ng espiritwalidad ng halos isa punto limang milyong katoliko sa lalawigan ng Albay.

Sa kautusan ng obispo itinatag ang mission churches sa Naga (Baño) sa Tiwi na binubuo ng mga Barangay Sogod, Cale, Putsan at Cararayan; PARMABICQ sa Camalig na binubuo ng Barangay Pariaan, Manawan, Binanderahan, Cabraran Pequeño at Quinartilan; at ang San Jose sa Malilipot na binubuo ng Barangay Binitayan, San Roque at Calbayog.

“These new missions are aimed at fostering a deeper spiritual life and strengthening the bonds of faith within our communities.” bahagi ng pahayag ni Bishop Baylon.

Itinalaga ni Bishop Baylon si Fr. Cipriano Ante na mangasiwa sa Naga (Baño), si Fr. Alwin Relorcasa naman sa PARMABICQ habang si Fr. Diogenes Barja naman sa San Jose.

Bukod sa mga pari nagtalaga rin ang obispo ng mga seminarista na magiging katuwang sa mga Mission Priests sa pagsasagawa ng pag-aaral at pagbibigay katesismo sa mamamayan sa mga turo ng simbahan bilang paghahanda sa pagtatag ng Quasi – Parish.

Mananatili hanggang November 2023 ang mga seminarista sa nasabing mga lugar upang makipag-ugnayan sa pamayanan at tuklasin ang higit na pangangailangan gayudin ang kahandaan sa posibleng pagbuo ng bagong parokya.

Sa datos ng Catholic Hierarchy mula nang maitatag ang Diocese of Legazpi noong 1951 nasa 49 na ang parokya nito kung saan katuwang ni Bishop Baylon sa pagpapastol ang mahigit sa 100 mga pari.

Hiling ng obispo sa mananampalataya ang patuloy na panalangin sa mga pari at seminarista na inatasan sa bagong mission churches para sa matagumpay na gawaing pagpapastol.

“Let us keep our Mission Priests and the assigned Prediaconal Seminarians in our prayers as they undertake this important work for the growth and spiritual well-being of our Diocese. May the Holy Spirit guide and inspire them in their endeavors.” ani ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 52,988 total views

 52,988 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 86,070 total views

 86,070 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 114,421 total views

 114,421 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 182,153 total views

 182,153 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 201,597 total views

 201,597 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top