Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbang Gabi sa Dubai, dinagsa ng OFWs

SHARE THE TRUTH

 261 total views

Pinapurihan ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang mga Overseas Filipino workers na nagpabilib muli sa buong mundo matapos silang dumagsa sa Simbang Gabi sa St. Mary’s Catholic Church sa Dubai.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, kinilala sila sa buong mundo gamit ang acronym na OFW o Outstanding Faith Witnesses na makabagong misyonero lalo’t dinadala nila ang kulturang Pilipino saan dako man sila ng mundo.

Sinabi pa ni Bishop Santos na ipinakita muli ng mga OFW na sa gitna ng kanilang pangungulila sa kanilang kaanak at pagod sa trabaho ay lagi pa rin nila inuuna ang Diyos na tangi nilang kinakapitan at pinagkukunan ng lakas.

“Yung ating mga Pilipino ang tawag natin sa kanila OFW pero sa atin at sa ibang bansa kilala rin sila sa OFW, Outstanding Faith Witnesses. Ipinapakita talaga nila ang kanilang pananampalataya at sa kanilang pananampalataya ipinakikita nila na higit silang nagtitiwala, higit silang nanalig at higit silang umaasa sa Diyos sa kabila ng kanilang mga pagpapakasakit at pangungulila at ang kanilang lakas ang kanilang katatagan ay kanilang pananampalataya ang pagtanaw. Ang paglapit sa Diyos at sa kabila ng pagod, puyat ay inuuna nila ang Diyos. At ito ay tanda kung saan talagang malapit ang mga Pilipino at talagang ang Diyos ang ating inuuna, siya ang ating pag – asa, siya ang kasagutan, ang kaligtasan natin,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority noong 2015 nasa mahigit 700,000 ang mga OFWs sa United Arab Emirates habang 450,000 sa mga ito ay naninirahan sa Dubai na bumubuo sa 21.3 porsyento ng kabuuang populasyon ng Dubai.

Sa tala naman ng Khaleej Times ang UAE na tirahan ng halos 200 nationalities na binubuo ng walong bansa kabilang na ang Pilipinas nakapagtaya ng mahigit $26 bilyong kabuuang remittances na siyang ikina – angat ng ekonomiya ng UAE.

Nauna na ring sinabi ng Kanyang Kabanalan Francisco noong bumisita ito sa Pilipinas noong 2015 na ang mga OFWs ang mga makabagong misyonero ng Ebanghelyo sa buong mundo dahil sa kanilang buhay na patotoo sa pananampalatayang Katoliko.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 7,076 total views

 7,076 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 25,647 total views

 25,647 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 51,143 total views

 51,143 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 61,944 total views

 61,944 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 1,782 total views

 1,782 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 77,479 total views

 77,479 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 103,294 total views

 103,294 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 140,165 total views

 140,165 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567