Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

50-days prayer brigade, inilunsad

SHARE THE TRUTH

 1,913 total views

Inilunsad ng Lay Organizations Movements Associations and Services ng Archdiocese of Cebu ang 50 Days Prayer Brigade para sa ikakatagumpay ng National Retreat for Priests sa darating na buwan ng Nobyembre 2023.

Ayon kay Layko Cebu Chairperson Fe Barino mahalaga ang mga panalangin para sa natatanging pagtitipon ng mga pastol ng simbahan na magbubuklod para sa pagninilay sa kanilang bokasyong nangangalaga sa kawan ng Panginoon.

“This 50 days round the clock prayer is very important to the priests during their retreat like what happened to the Feast of Pentecost when the Holy Spirit descended on the apostles, the Blessed Virgin Mary.” bahagi ng pahayag ni Barino.

Magsisimula ang 50 araw na pananalangin ngayong September 18 at magtatapos sa November 6, bago ang National Retreat for Priests sa November 7 hanggang 9 na susundan na Lay Congress sa November 11.

Sinabi ni Barino na siya ring chairperson ng NRP working committee na nasa 2, 300 mga pari mula sa 55 mga diyosesis sa bansa ang nagpatala para sa pagtitipon kaya’t muling nagbukas ng 500 slot para sa mga nagnanais pang dumalo.

Nasa tatlong libong mga pari ang maaring makadadalo sa retreat kung saan tampok ang mga panayam ni well-known international speaker and faith healer Sr. Briege McKenna at missionary priest Fr. Pablo Escriva de Romani.

Isasagawa ang pagtitipon sa IEC Convention Center sa Cebu City kung saan inaasahan ang pagdalo ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na manguna sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa unang araw ng retreat.

Apela ni Barino sa mananampalataya sa bansa ang pakikiisa sa panalangin para sa matagumpay na pagtitipon ng mga pari sa buong bansa na bahagi pa rin ng 500 Years of Christianity celebration ngunit naantala dahil sa pag-iral ng pandemya sa mga nakalipas na taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,517 total views

 28,517 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,617 total views

 36,617 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,584 total views

 54,584 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,617 total views

 83,617 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,194 total views

 104,194 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,298 total views

 5,298 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,905 total views

 10,905 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,060 total views

 16,060 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top