K of C sa Pilipinas, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,923 total views

Malaki ang tungkuling ginagampanan ng Knights of Columbus (K of C) sa kristiyanong pamayanan.

Ayon kay K of C Supreme Chaplain, Baltimore Archbishop William Edward Lori, bukod sa pinakamalaking samahan ng mga kalalakihang katoliko sa mundo nangunguna ang K of C sa pagtataguyod at pagtatanggol sa pananampalataya.
Naniniwala ang arsobispo na sa pamamagitan ng mga gawain ng K of C ay maisulong ang maunlad at mapayapang pamayanang nakatuon kay Hesukristo.

“They do an immense amount of charity around the world, but they also help form men to be better husbands, better fathers, better disciples of the Lord, and also to be Knights who are on mission to promote devotion to the Eucharist, on mission to carry forward the work of evangelization,” pahayag ni Archbishop Lori.

Kinilala ng opisyal ang K of C sa Pilipinas sa patuloy na paglago ng grupo na may humigit kumulang sa kalahating milyong kasapi kaakibat ang tungkuling paghuhubog lalo na sa kabataan.

Iginiit ni Archbishop Lori na dapat mahubog ang sarili sa ninanais ng Panginoon upang magtagumpay sa mga gawain sa kristiyanong pamayanan.
Hamon din ni Archbishop Lori sa mga kasapi ng fraternal organization na pagtuunan ng pansin ang paggabay sa mga pamilya tungo sa mas mapayapa at maayos na lipunan.

“That’s really our challenge also the family life, how critical is that for the future of all societies and for the church, and for the young. And so, I think to be good husbands, good fathers, to form families that are unified, peaceful, joyful, where young people can grow,” giit ng arsobispo.

Napapanahon din ang hamon ng arsobispo lalo’t nahaharap ang bansa sa banta ng pagsasabatas ng diborsyo gayong ipinasa ng mababang kapulungan ng kongreso ang Absolute Divorce Bill.

Pinangunahan ni Archbishop Lori ang Banal na Misa sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral nitong August 15 sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria.

Ang Knights of Columbus ay samahan ng kalalakihang itinatag ni Fr. Michael J. McGivney noong 1882 alinsunod sa ‘principles of charity, unity and fraternity’. Kabilang sa mga dumalo sa misa ang pamilya ni K of C Supreme Knight Patrick Kelly at mga opisyal ng K of C Luzon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 11,812 total views

 11,812 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 39,817 total views

 39,817 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 57,617 total views

 57,617 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 57,138 total views

 57,138 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 168,842 total views

 168,842 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 7,487 total views

 7,487 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top