Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Marcos, ipinagdarasal ang kagalingan ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 14,815 total views

Kasama ang sambayanang Filipino, nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa buong mundo sa pananalangin para sa agarang paggaling ni Pope Francis.

Ikinalulungkot ng Pangulong Marcos, ang kasalukuyang kalagayan ng Santo Papa dulot na rin ng kanyang karamdaman.

“Nakakalungkot na marinig ang malubhang karamdaman ni Pope Francis. Sa mga sandaling ito, kaisa tayo ng buong mundo sa panalangin para sa kanyang kalakasan at paggaling,” ayon pahayag ni Pangulong Marcos.

“Nawa’y patuloy siyang patnubayan at palakasin ng Panginoon upang magpatuloy sa kanyang misyon ng pananampalataya at pagmamahal sa sangkatauhan.”

Sa pinakahuling medical bulletin ng Vatican noong Linggo, nanatiling nasa kritikal na kondisyon ang Santo Papa dahil sa pneumonia.

Tumanggap siya ng dalawang unit ng concentrated red blood cells, na nagdulot ng positibong epekto, para tumaas ang kanyang hemoglobin.

Bagamat nananatiling matatag ang kanyang thrombocytopenia, may ilang pagsusuri sa dugo na nagpapakita ng maagang sintomas ng bahagyang paghina ng paggana ng kanyang mga bato.

Ang santo papa ay patuloy na sumasailalim sa high-flow oxygen therapy sa pamamagitan ng nasal cannulas.

Sa kabila ng kanyang kondisyon, ang Santo Papa ay nananatiling gising at may malinaw na kamalayan.

Una na ring nanawagan si Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa mga Filipino ng pakikiisa sa pananalangin para sa pagbuti ng kalagayan ni Pope Francis.

Si Pope Francis ay dinala sa Gemelli Hospital dahil sa bronchitis noong February 14.

Matatandaang bumisita si Pope Francis sa Pilipinas noong Enero 15-19, 2015, kung saan milyon-milyong mga Pilipino ang dumalo sa kanyang mga misa at pagtitipon.

Kabilang sa layunin ng pagbisita ng pinunong pastol ng simbahan ang pakikiisa sa mga Pilipino, lalo na sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda (Haiyan) noong 2013.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 23,699 total views

 23,699 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 34,863 total views

 34,863 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 71,138 total views

 71,138 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 88,940 total views

 88,940 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567