Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malinis at tapat na halalan, tungkulin ng Commission on Elections

SHARE THE TRUTH

 359 total views

Tungkulin ng Commission on Elections na tiyakin ang pagkakaroon ng isang malinis at tapat na halalang pambansa sa ika-9 ng Mayo, 2016.

Ito ang iginiit ni Professor Ronald Simbulan – Vice Chairman – Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) kaugnay sa naging desisyon ng Korte Suprema na pag-i-imprenta ng resibo o voter receipt sa nakatakdang eleksyon.

Paliwanag ni Simbulan, bahagi ito ng mandato ng COMELEC bilang pangunahing independent commission na nangangasiwa sa halalang pambansa.

“Dapat responsibility ng COMELEC na ihabol yan, habulin talaga kasi that was one of the things that we expect, expect them to do na maging credible itong eleksyon kaya talagang dapat kasama yun para ma-verify yung result.” pahayag ni Simbulan sa Radio Veritas

Iginiit ni Simbulan na kailangang sundin ng ahensya ang naging desisyon ng Korte Suprema.

Nasasaad sa Republic Act (RA) 939 o Automated Election Law nararapat na magkaroon ng safety features ang balota at ang makinaryang gagamitin sa Automated Election partikular na ang ballot verification o ultra violet detectors, source code review, voter verified paper audit trail at digital signature ng sinumang mangangasiwa sa halalan.

Magugunitang, noong nakalipas na halalan nakapagtala ng 2.3 percent Discrepancy sa Accuracy ng PCOS Machine.

Kaugnay nito, nanawagan rin si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa Comelec na iwasan ang pagdudulot ng pangamba sa mga mamamayan kaugnay sa kasalukuyang isinasagawang paghahanda sa nakatakdang halalan sa halip ay mas nararapat gawin at gamitin nito ang kanilang malawak na makinarya upang puspusang gampanan ang kanilang mandato sa pagkakaroon ng malinis, tapat at payapang eleksyon sa bansa malayo sa kaguluhan at karahasan batay na rin sa Republic Act No. 7166.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 21,314 total views

 21,314 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 29,982 total views

 29,982 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 38,162 total views

 38,162 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 34,024 total views

 34,024 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 46,075 total views

 46,075 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 2,154 total views

 2,154 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 2,972 total views

 2,972 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top