Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, hinimok na makiisa sa talakayan kasama ang mga katutubo

SHARE THE TRUTH

 505 total views

Inaanyayahan ng Radio Veritas ang bawat isa na makibahagi sa paksang tatalakay sa gampanin at misyon ng mga katutubo sa pangangalaga at pagpapanatili ng ating inang kalikasan.

Katuwang ng himpilan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – National Laudato Si’ Program at Laudato Si’ Movement Pilipinas sa talakayang ito na may temang “Ugnayan, Pakikipag-isa at Misyon Kasama ang mga Katutubo” na isasagawa sa programang Barangay Simbayanan, sa ika-6 ng Oktubre 2021, mula alas-8:30 hanggang alas-9 ng umaga.

Kabilang sa mga magbabahagi sa nasabing talakayan ay sina CBCP-Episcopal Commission on Indigenous People Program Coordinator, Mr. Tony Abuso; at National Anti-Poverty Commission – Indigenous People Sectoral Representative at katutubong Kankana-ey, Ms. Judith Maranes.

Ito ay bahagi rin ng pagdiriwang ng Season of Creation 2021 sa buong bansa na karaniwang ginugunita tuwing buong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre 4, kasabay ng kapistahan ng patron ng kalikasan na si San Francisco ng Assisi.

Ngunit pinalawig pa ito hanggang sa Oktubre 10 upang ipagdiwang ang Indigenous Peoples’ Sunday bilang pagkilala sa mahalagang gampanin ng mga katutubo para sa wastong pangangalaga at pagpapanatili sa ating nag-iisang tahanan.

Batay sa tala ng National Commission on Indigenous Peoples, tinatayang aabot sa mahigit 11.3-milyon ang kabuuang populasyon ng mga katutubo sa Pilipinas.

Maaari namang matunghayan ang nasabing talakayan sa mga facebook page ng Veritas846.ph, CBCP National Laudato Si Program at Laudato Si’ Movement Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 28,358 total views

 28,358 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 39,522 total views

 39,522 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 75,721 total views

 75,721 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 93,523 total views

 93,523 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567