Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, muling hinikayat ng opisyal ng CBCP na magpabakuna

SHARE THE TRUTH

 284 total views

Binigyang-diin ni Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona ang pagtitiwala ng Diyos sa kakayahan ng agham upang matugunan ang umiiral na coronavirus pandemic sa lipunan.

Ayon kay Bishop Mesiona, ang pagpapabakuna ang kasalukuyang isa sa maganda at epektibong paraan laban sa matinding epekto ng COVID-19.

Miling hinihikayat ng Obispo ang publiko na magpabakuna upang tuluyang maabot ng bansa ang inaasam na herd immunity laban sa virus.

“Kaya ako po si Bishop Soc…ay nanghihikayat sa mga hindi pa nakapagpapabakuna na magpabakuna na, para mapadali ang pagbalik natin sa dating normal na buhay. Magtiwala po tayo sa Diyos at magtiwala din po tayo sa agham at sa mga taong nasa ilalim nito, dahil sila po ang ginagamit ng Diyos para Siya ay makatugon sa ating mga kahilingan,” pahayag ni Bishop Mesiona.

Samantala, ibinahagi rin ng Obispo na noong hindi pa lumalabas ang bakuna laban sa virus ay sinimulan din sa Vicario Apostoliko ang pananalangin ng Oratio Imperata nang sa gayon ay makatulong sa paglikha ng mga gamot na maaaring maging lunas sa umiiral na pandemya.

“Sa kasagsagan ng pandemya, tayo po’y nagdasal ng Oratio Imperata na sana may gamot, may bakuna na matutuklasan upang matigil na ang pagkalat ng COVID-19, matigil na ang pandemya at makabalik na tayo sa normal nating buhay,” saad ng Obispo.

Batay sa tala, magmula pa nitong Hulyo nang kasalukuyang taon, ang lungsod ng Puerto Princesa ang nangunguna sa COVID-19 vaccination campaign sa MIMAROPA Region na mayroong vaccination rate na 9.47 percent, mas mataas ng tatlong beses kaysa sa national average na 3.3 percent.

Naitala naman ng Puerto Princesa City COVID-19 Daily Case Bulletin ang 455 aktibong kaso habang umabot na sa 5,517 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong lungsod.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 27,960 total views

 27,960 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 39,124 total views

 39,124 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 75,334 total views

 75,334 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 93,136 total views

 93,136 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567