BFP, nanawagang iwasan ang magpaputok sa pagsalubong sa bagong taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,308 total reads

Pinaalalahanan ng Bureau of Fire Protection ang mamamayan na iwasan ang paggamit ng paputok sa bagong taon upang maiwasan ang sakuna tulad ng sunog.

Sa panayam ng Veritas Pilipinas kay BFP Spokesperson Supt. Annalee Carbajal- Atienza, ibinahagi nitong puspusan na ang BFP sa pagsasagawa ng awareness campaign laban sa masamang idudulot ng paputok.

“Nagsimula noong December 9 ang ating ‘Oplan Paalala Iwas Paputok’ para ipalaganap ang awareness at ma-prevent po talaga ang incidence ng firecrackers related,” bahagi ng pahayag ni Atienza sa Radio Veritas.

Ayon pa sa opisyal na naglunsad ng iba’t ibang programa at hakbang ang mga kawani ng BFP sa buong bansa upang mapalawak ang kampanya lalo’t ilang araw na lang ay sasalubungin na ang bagong taon.

Ilan sa hakbang ng BFP ang pagpapakalat ng awareness sa mga establisimiyento, ang social media awareness campaign at maging ang paglilibot ng mga firetrucks sa komunidad upang paalalahanan ang mamamayan na iwasan ang paputok sa bagong taon.

Nilinaw naman ni Atienza na hindi inaalisan ng hanapbuhay ang mga pamilyang gumagawa at nagbebenta ng paputok partikular sa Bocaue, Bulacan kundi tinutulungan ng ahensya ang mga negosyanteng matiyak na ligtas ang kanilang lugar mula sa panganib ng pagkasunog.

“Definitely hindi naman sa tanggalan sila ng hanapbuhay ang atin po ay closed monitoring talaga assurance na wala talagang mangyayari by simply advising them or supervising sa pag set-up ng tindahan; pagkakaroon ng standby firefighting appliance tulad ng fire extinguisher,” ani Atienza.

Binigyang diin ng opisyal na mahalaga ang mga firefighting equipment upang agarang maapula lung sakaling may insidente ng pagkasunog sa mga tindahan.

Umaasa ang pamunuan ng BFP na manatiling zero case ng sunog kaugnay sa paputok ang pagsalubong ng 2022 katulad noong sinalubong ang 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 128,634 total reads

 128,634 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 171,904 total reads

 171,904 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 221,660 total reads

 221,660 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 380,856 total reads

 380,856 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 402,122 total reads

 402,122 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top