Mananampalataya, inaanyayahan ni Cardinal Advincula sa “Celebrate Asia in Manila”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 528 total views

Inaanyayahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na makiisa sa gaganaping Celebrate Asia in Manila sa September 26, 2022.

Ayon sa Cardinal, mahalagang magbuklod ang mamamayan upang pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng pananampalataya na tinanggap ng mga Pilipino 500 taon ang nakalipas at ipagdiwang ang ika – 50 anibersaryo ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) na bukas sa publiko.

“I would like to invite you, and your lay leaders to join me and Cardinal Chito Tagle in the said event (Celebrate Asia in Manila), admission is free,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Tampok sa Celebrate Asia in Manila ang pagpapalalim at pagninilay ng simbahan sa resulta ng isinagawang synodal consultations sa 86 na mga diyosesis sa bansa.

Magbibigay ng panayam si Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization, na unang itinalaga ni Pope Francis bilang kinatawan sa pagtitipon ng FABC sa October 12 hanggang 30 sa Bangkok Thailand.

“It also aspires to expand the experience of Synodality by joining the “Church in Asia” in building awareness, interest and sense of participation as it celebrates the 50th Anniversary of the FABC,” ayon sa pahayag.

Ang pagtitipon ay inisyatibo ng Office for the Promotion of the New Evangelization ng Archdiocese of Manila, Manila Cathedral at Pontifical Mission Societies – Philippines.

Gaganapin ang Celebrate Asia in Manila sa Manila Cathedral mula alas 8:30 ng umaga hanggang alas 12:30 ng tanghali kung saan pangungunahan ni Cardinal Advincula ang closing mass.

Samantala dadalo rin ang Permanent Council ng CBCP sa pagtitipon ng FABC sa pangunguna ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Naitatag ang FABC noong 1970 noong nagkatipon ang mga obispo ng Asya sa Manila sa pagdalaw ni Pope Paul VI sa Pilipinas.

Sa mga dadalo ng Celebrate Asia in Manila maaaring magparehistro sa website ng Office for the Promotion of the New Evangelization (www.opne.ph).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 35,712 total views

 35,712 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 31,581 total views

 31,581 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 67,783 total views

 67,783 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 76,917 total views

 76,917 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 103,110 total views

 103,110 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top