Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magpasalamat sa Diyos

SHARE THE TRUTH

 794 total views

Hinimok ng opisyal ng simbahan ang mananampalataya na maglaan ng panahon para magpasalamat sa Diyos.

Ito ang pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa kahalagahan ng pagdalo ng Banal na Eukaristiya lalo na tuwing Linggo.

Tinukoy ng obispo ang salaysay sa ebanghelyo tungkol sa sampung humingi ng tulong kagalingan kay Hesus subalit isa lang ang bumalik upang magpasalamat.

Ayon kay Bishop Pabillo marami ang dapat na ipagpasalamat ng sangkatauhan sa Panginoon tulad ng biyaya ng buhay, pamilya, kabuhayan at iba pang kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao.

“Ang dami nating ipasasalamat sa Diyos – ang buhay natin, ang ating kalusugan, ang ating trabaho,ang ating pamilya. Higit sa lahat, ipinapasalamat natin ang pagmamahal ng Diyos sa atin, ang pag-aalay ni Jesus ng kanyang sarili sa Krus, ang salita ng Diyos na pagkain ng ating kaluluwa. Nagsisimba tayo kasi tayo ay nagpapasalamat,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ikinalungkot ng opisyal na bagamat marami ang tumatanggap ng biyaya ay iilan lamang ang naglaan ng panahon na dumalo sa Banal na Misa upang magpasalamat sa Diyos.

Sa isang pag-aaral ng Social Weather Station noong 2021 nasa 41-percent lamang ng mahigit 80-milyong katoliko sa bansa ang lingguhang dumadalo sa Banal na Eukaristiya.

Apela ni Bishop Pabillo sa mananampalataya na magbigay ng panahon para sa Diyos na nagkaloob ng iba’t ibang biyaya na pinakikinabangan ng tao.

“Tumigil tayo sa araw ng Linggo. Tigil muna sa pag-aaral. Tigil muna ang pagtatrabaho. Bumalik tayo sa Diyos. Pumunta tayo sa simbahan at sambahin siya sa Banal na Misa na walang iba kundi pagpapasalamat,” giit ng obispo.

Si Bishop Pabillo ang namumuno sa Office on Stewardship ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nangunguna sa pagsusulong ng stewardship program ng simbahan upang palawakin ang balik-handog sa mga simbahan sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 16,992 total views

 16,992 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 25,092 total views

 25,092 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 43,059 total views

 43,059 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 72,231 total views

 72,231 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 92,808 total views

 92,808 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,188 total views

 4,188 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,796 total views

 9,796 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,951 total views

 14,951 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top