Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kaligtasan ng lahat, dalangin ni Bishop Alarcon

SHARE THE TRUTH

 3,067 total views

Ipinapanalangin ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang kaligtasan ng lahat mula sa pananalasa ng Bagyong Paeng.

Ayon sa Obispo, bukod sa paghahanda ay mahalaga rin ang pananalangin upang ipag-adya ng Panginoon ang bawat isa mula sa anumang pinsala na maaring idulot ng bagyo.

Pagbabahagi ni Bishop Alarcon, ang pananalangin para sa kaligtasan ng lahat ay isa ring paraan ng pakikiisa para sa mga kababayan nating nakararanas na ng hagupit ng Bagyong Paeng.

Ipinaliwanag ng Obispo na sa kabila ng distansya o layo sa isa’t isa ay magkakasama pa rin ang lahat sa diwa at pananalig sa Panginoon na hindi kailanman pababayaan ang sinuman sa oras ng pangangailangan.

“Dalangin ko ang kaligtasan ng lahat. Ipaubaya natin ang ating mga sarili sa Panginoon habang ginagawa natin ang nararapat na paghahanda sa pagdating ng bagyo. Ang ating panalangin at pakikiisa sa mga kapatid nating nakararanas ng hagupit ng bagyo. Malayo man, magkakasama tayo sa diwa at pananalig sa Panginoon,” ang dalangin ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon.

Ang Bagyong Paeng na ang ika-16 na bagyo ngayong taon mula sa halos 20-bagyo na karaniwang nananalasa sa bansa kada taon.

Una ng tiniyak ng mga Social Action Centers na nakahanda ang Disaster Risk Reduction Response ng bawat ng diyosesis upang tulungan ang mga nangangailangan at maaaring mga maapektuhang residente ng mga pagbaha o pagguho ng lupa dulot ng mga pag-ulan dahil sa bagyo.

Read:

Naunang hiniling sa panginoon nina Ozamis Archbishop Martin Jumoad at Surigao Bishop Antonieto Cabajog ang kaligtasan ng mamamayan sa pinsalang dulot ng bagyong Paeng sa bansa.

Read:

Ipag-adya ang bansa sa pinsala ng Bagyong Paeng, hiling ng Arsobispo sa Panginoon

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SONA

 8,116 total views

 8,116 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 33,716 total views

 33,716 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 44,879 total views

 44,879 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 80,961 total views

 80,961 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Michael Añonuevo

Sana ay mali kami

 2,419 total views

 2,419 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567