Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ACN-Philippines, kinondena ang paglapastangan sa mga simbahan sa Chile

SHARE THE TRUTH

 442 total views

Kinondena ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need Philippines ang marahas na pang-atake sa mga simbahan sa Chile.

Hinimok naman ni ACN-Philippines National Director Jonathan Luciano ang mananampalataya na ipanalangin ang kaligtasan ng mamamayan sa Chile lalo na ang nasasakupan ng dalawang simbahang sinunog ng mga raliyista.

“We encourage everyone, our brothers and sisters, to unite in prayer and be in solidarity with our family in Chile,” pahayag ni Luciano sa Radio Veritas.

Giit ni Luciacno, kailanman ay hindi makatwiran ang paghahasik ng karahasan sa lipunan na nagdudulot ng higit pang kaguluhan dahil sa mas mangingibabaw ang pagkamuhi ng mamamayan.

Ika-18 ng Oktubre pinasok at sinunog ng mga raliyista ang St. Francis Borgia Church at ang pinakamatandang simbahan sa Santiago ang Church of the Assumption of the Blessed Virgin Mary na itinatag noong 1876.

Pagbabahagi pa ng ACN na noong 2019 naging sentro ang Chile nang pang-aatake at paglapastangan sa mga simbahan sa lugar nang magsimula ang malawakang pagkilos laban sa pamahalaan ng Chile.

Naniniwala si Luciano na tanging diyalogo o pag-uusap ang daan upang magkaroon ng pagkakasundo at kapayapaan sa pamayanan.

“While there may exist difference in belief, in principle, or in faith, all these may be peacefully reconciled through dialogue and communication,” ayon kay Luciano.

Nagpahayag rin ng pakikiisa si ACN Executive President Thomas Heine-Geldern sa Chile partikular na kay Rev. Fr. Pedro Narbona ang kura paroko ng Church of the Assumption na tagasuporta sa mga gawain ng ACN.

Batay sa tala ng Pontifical Foundation nasa 57 pang-atake sa mga simbahan sa Chile ang naitala simula noong 2019. Umaasa naman si Luciano na ang bawat mananampalataya ay maging instrumento ng kapayapaan tulad ng panawagan ng Panginoon sa bawat isa na palaganapin ang pag-ibig sa lipunan.

“Let us also please not promote further hate, and may we be instruments of love, understanding, justice, and forgiveness,” dagdag pa ni Luciano.

Ang Pontifical Foundation Aid to the Church in Need ay itinatag upang magbigay ng pastoral at humanitarian na tulong sa mga inuusig na simbahan at kristiyano sa buong mundo.

Sa halos pitong dekada ng ACN milyun-milyong indibidwal at simbahan na ang natulungan nito sa 145 mahihirap na bansa kabilang na ang Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 11,027 total views

 11,027 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,127 total views

 19,127 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,094 total views

 37,094 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,400 total views

 66,400 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,977 total views

 86,977 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,611 total views

 3,611 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,219 total views

 9,219 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,374 total views

 14,374 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top