213 total views
Namangha ang actress at musician na si Aiza Seguerra sa Jesuit Communications produced film na Ignacio de Loyola.
Ayon sa singer at composer na si Seguerra kapuri – puri ang musikang ginamit sa naturang pelikula na komposisyon ni Maestro Ryan Cayabyab.
Iginiit pa ni Seguerra na ang Ignacio de Loyola The Movie ay nagpa – angat na naman sa pelikulang Pilipino at kauna – unahang pelikulang Pinoy na ipinalabas sa Vatican.
“Ako musician ako manganganta talagang blown away ako sa musical score ni Mr. Ryan Cayabyab and of course they are with the ABS – CBN Philharmonic Orchestra. Oh my God talagang it’s a feast sa tenga ko talaga. Yun pa lang solve na ko. Plus the beautiful visuals and costumes and the acting of the actors it’s really nakakatuwa dahil inangat na naman ulit ang antas ng pelikulang Pilipino,” bahagi ng pahayag ni Seguerra sa panayam ng Veritas Patrol.
Ang naturang pelikula ay isang modernong pagkukwento ng buhay ng kauna-unahang Hesuwita na kilala rin sa bansag na Saint of Second Chances.
Si Ignacio ay isang makamundong sundalo noon na sumuko sa kanyang pangarap na maging tanyag na kabalyero pagkatapos masugatan sa giyera. Sa kanyang pagpapagaling, itinatag niya ang orden ng mga Heswita.
Mapapanood naman ngayong araw ika – 27 sa buwan ng Hulyo sa mahigit 50 sinehan sa buong bansa ang naturang pelikula.