Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Apektado ng bagyong Ambo sa Quezon Province, tutulungan ng Diocese of Gumaca

SHARE THE TRUTH

 1,876 total views

May 19, 2020, 10:29AM

Tiniyak ni Gumaca Bishop Victor Ocampo na tutulungan ng diyosesis ang mga nasalanta ng bagyong Ambo.

Sa panayam ng Radio Veritas, nagpalasamat ang obispo sa Diyos dahil wala gaanong nasira sa pananalasa ng bagyo na naramdaman sa lugar noong Biyernes, ika – 15 ng Mayo.

Sinabi ni Bishop Ocampo na nakahanda ang social action arm ng diyosesis sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan na bahagyang naapektuhan ng bagyo.

“Purihin ang Diyos! Minimal damage lang sa Gumaca town, our Social Action Center will help them [victims],” pahayag ni Bishop Ocampo sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng Obispo ang ulat ni Rev. Fr. Rey Malimata ang kura paroko ng San Andres Parish na walang mga naitalang nasira sa nabanggit na lugar hindi katulad nang manalasa ang bagyong Tisoy noong Disyembre na labis ang pinsala sa Quezon province.

Sa ulat, tatlong bahay sa tabing dagat habang walong bahay naman sa kanlurang bahagi ng Gumaca ang bahagyang nasira dulot ng malakas na hanging taglay ng bagyong Ambo.

Dagdag pa ng obispo na sa bayan ng Mulanay 20 pamilya ang kinanlong ng parokya habang 200 indibidwal naman sa Catanauan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Ipinagpasalamat din ni Bishop Ocampo sa Diyos na walang naitalang nasawi sa kanilang lugar bunsod ng bagyo habang nag-alay naman ito ng mga panalangin para sa mga residenteng higit na naapektuhan partikular sa Eastern Samar at ilang lalawigan sa Visayas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,572 total views

 15,572 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 23,672 total views

 23,672 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,639 total views

 41,639 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 70,871 total views

 70,871 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 91,448 total views

 91,448 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,054 total views

 4,054 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,662 total views

 9,662 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,817 total views

 14,817 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top