Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bakuna, population control ng gobyerno

SHARE THE TRUTH

 3,306 total views

Salapi ang nakikitang dahilan ni Dr. Dolly Octaviano, President ng Doctors for Life Philippines kung bakit patuloy ang pagsusulong sa paggamit ng mga bakuna.

Ayon kay Dr. Octaviano, pinalalaganap ito hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang mga bansa upang lumawak ang kita ng mga nasa likod ng lumilikha ng mga bakuna para sa iba’t ibang uri ng karamdaman.

Dagdag pa ng Doktor, isa rin sa nakikita nitong dahilan sa malawak na pagbibigay ng bakuna ay ang layunin na makontrol ang populasyon sa mundo.

Aniya, mayroong nilalamang elemento ang mga bakuna na pumipigil upang magbuntis ang isang babae, o di kaya ay nagpapahina sa batang nasa sinapupunan ng isang magulang.

“Parang ang primary na concern nila is money, financial returns because they lobby the government all throughout the world to make it mandatory. Primarily I could tell that the primary instigator of all this massive program is profit. Number two together with the profit is population control,” bahagi ng pahayag ni Dr. Octaviano sa
Radio Veritas.

Matatandaang nitong ika-7 ng Agosto sinimulan ng Department of Health ang pagpapalawak sa kanilang Anti-cervical Cancer campaign kung saan inilunsad ng ahensya ang libreng bakuna sa 180 mga estudyante mula sa Hills Integrated School sa Mandaluyong City.

Target ng DOH na bigyan ng bakuna o Human Papillomavirus Immunization na pangontra sa cervical cancer
ang mga batang babae na may edad 9 hanggang 12 mula sa 47 mga lalawigan sa buong bansa na tinatayang aabot
sa 700,000 mga mag-aaral.

Ngayong 2017 naglaan ang DOH ng P650-milyong pisong budget para sa HPV vaccine, habang P400-milyon naman ang nakalaan sa taong 2018.

Ayon sa katuruan ng Simbahan tungkulin ng pamahalaan na gawin ang lahat ng makabubuti sa kapakanan
ng mamamayan lalo na sa kalusugan ng taumbayan.

Gayunman, ipinaalala ng Vatican na ang paggamit sa mga bakuna partikular na ang pinagmulang cells ng mga bakuna ay kinakailangang matiyak na hindi makasasama sa kalusugan ng tao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 14,730 total views

 14,730 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 35,457 total views

 35,457 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 43,772 total views

 43,772 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 62,314 total views

 62,314 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 78,465 total views

 78,465 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Economics
Veritas NewMedia

CBCP, nababahala sa kalusugan ng mga OFW

 3,676 total views

 3,676 total views Pinaalalahanan ng isang Pari ang mga Overseas Filipino Workers na panatilihin ang maayos na kalusugan at huwag abusuhin ang sarili sa pagtatrabaho sa

Read More »
Economics
Veritas NewMedia

Price monitoring policy, ilalabas ng DOE

 3,301 total views

 3,301 total views Nakatakdang maglabas ng isang polisiya ang Department of Energy upang mahigpit na masubaybayan ang mga presyo ng petrolyo sa merkado at maprotektahan ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top