Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bawiin ang dangal ng bawat Filipino

SHARE THE TRUTH

 257 total views

Bawiin ang dangal ng bawat Filipino sa pamamamagitan ng pagwawaksi ng galit at pahihiganti.

Ito ang binigyan-diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa misang isinagawa sa San Agustin Church para sa mga biktima ng karahasan, kasabay na rin ng pagdiriwang ng ika-45 taon ng deklarasyon ng Martial Law.

Ayon sa Obispo, sa halip na tumugon sa mga masasamang salita sa Social Media, sa mga pang- iinsulto at pagmumura ay iganti ang kabutihan.

Inihalintulad din ng Obispo sa isang uri ng anay ang kasamaan sa pagkilos para sirain ang bawat konsensya.

“Huwag po tayong magpatalo sa mga anay, huwag tayong makipagmurahan sa social media, wala tayong kahihinatnan sa ganoon. Huwag nating gantihan ng insulto ang pang-iinsulto nila sa atin. Iwaksi natin ang kalupitan, iwaksi ang karahasan. Ibangon na muli ang ating dangal bilang isang bayan.”

Muli ding nanawagan ang Obispo hinggil sa nagaganap na patayan sa mga hinihinalang drug addict at patuloy na nanawagan na hindi dapat paslangin ang mga lulong sa droga bagkus ay tulungan sa pagbabago.

“Talikuran natin ang masama, panindigan natin ang mabuti. Huwag gagantihan ang masama ng masama, sa halip pagtagumpayan natin ang kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan,”  bahagi pa nang homiliya ni Bishop David.

Una na ring tumugon ang Simbahan sa panawagan na pagsugpo sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pagbuo ng community-based rehab program sa mga drug addict.

Sa ulat, higit sa 1 milyon na drug surrenders, malaking porsiyento sa mga ito ang maaring sumailalim sa community-based program na inoorganisa ng simbahan, NGO’s katuwang ang gobyerno at lokal na pamahalaan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 73,040 total views

 73,040 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,815 total views

 80,815 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,995 total views

 88,995 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,590 total views

 104,590 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,533 total views

 108,533 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

From maintenance to a Mission church

 26,541 total views

 26,541 total views Ito ang isa sa pangunahing bunga ng isinagawang Synod on Synodality sa Vatican na nagsimula noong 2021 at nagtapos noong Oktubre 2024. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top