BOC,lumagpas na sa 2023 target collection

SHARE THE TRUTH

 1,676 total views

Nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang target na makolekta sa unang bahagi ng 2023.

Sa ulat, may P213.619 bilyon ang nakolektang buwis ng ahensya mula Enero hanggang Marso o higit sa P16.6 bilyon o 8.43 porsyento sa itinakdang P197 bilyon.

Sa buwan ng Marso ay nakakolekta ang BOC ng P80.133 bilyon na lagpas ng 10.86 porsyento sa target na P72.282 bilyon.

Iniugnay ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang magandang performance ng kanyang ahensya sa 5-point priority programs ng BOC na nakatuon sa digitalization ng mga proseso ng Customs, pagpapadali ng mga proseso, pagsugpo sa smuggling, at pagbibigay halaga sa kapakanan at pag-unlad ng mga empleyado.

“Our positive collection performance for the first quarter of 2023 is a testament to the hard work and dedication of our men and women at the Bureau. We will continue to implement our priority programs and introduce new initiatives to sustain this positive momentum.” ayon kay Rubio.

Ang nakolekta ng BOC sa unang bahagi ng taon ay mas malaki ng 13.29 porsyento kumpara sa nakolekta sa kaparehong panahon noong 2022 na umabot sa P188.557 bilyon.

“We will continue to work hard and strive for excellence as we aim to become one of the world’s best Customs administrations.” sabi pa ni Rubio.

Nagpasalamat rin si Rubio sa mga kawani ng ahensya sa pagsusumikap na gampanan ang kanilang tungkulin.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 4,270 total views

 4,270 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 14,898 total views

 14,898 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 35,921 total views

 35,921 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 54,859 total views

 54,859 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 87,408 total views

 87,408 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

50-pesos na wage hike, binatikos

 17,443 total views

 17,443 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top