3,883 total views
Naglunsad ng donation drive ang social arm ng Archdiocese of Caceres para sa mamamayan ng Masbate na matinding naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Opong.
Sa inilabas na panawagan ng Caritas Caceres (Naga), Inc., maaaring magpadala ng cash donations sa mga itinalagang online banking platforms ng Caritas Masbate, kabilang ang GCash, BPI, PNB, at RCBC.
Bukas din ang tanggapan ng Caritas-Caceres sa Cadlan, Pili, Camarines Sur, gayundin ang Archbishop’s Residence sa Barangay Sta. Cruz, Naga City, at lahat ng parokya sa Archdiocese of Caceres, bilang drop-off points para sa mga nais maghandog ng tulong.
Hinikayat ng Caritas-Caceres ang publiko na makiisa sa pagkilos na ito bilang konkretong paraan ng pagtulong sa mga nasalanta at upang mapagaan ang kalagayan sa harap ng pinsalang iniwan ng bagyo.
Para sa kumpletong detalye ng pagpapadala ng donasyon, maaaring bisitahin official facebook page ng Caritas-Caceres Naga.