Caritas Manila, maglalagay ng imbakan ng relief goods sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

 234 total views

Magtatayo ng Caritas Manila ang isang warehouse para sa relief goods sa Mindanao.

Ayon kay Fr. Emerson Luego, Social Action Center director ng Diocese of Tagum at ng Visayas – at siya ring head ng Caritas-Mindanao, ito ay upang maging madali ang pamamahagi ng tulong sakaling magkaroon ng kalamidad sa Mindanao at mga kalapit na lalawigan.

Ilalagay ang emergency warehouse sa Sagrado Corazon Parish, Bermudez Compound, Apokon, Tagum, Davao City para mapag-imbakan ng mga donasyon mula sa Caritas Manila at Radyo Veritas.

“May area na tayo na inilaan diyan para sa gagawin na warehouse. At ang role niyan we could accommodate halimbawa may mga sakuna sa Mindanao diyan natin store lahat ng mga goods na ibinibigay ng mga kababayan natin from Luzon and Manila na mga tulong na ipinapadala nila sa Caritas Manila at Radio Veritas para tulad sa dati na maipahatid agad natin doon mismo sa mga concern,” bahagi ng pahayag ni Fr. Luego sa Radyo Veritas.

Suportado rin ni Fr. Luego ang mga programa ng Caritas Manila tulad ng Caritas YSLEP o Youth Servant Leadership and Education Program na may 5 libong iskolar sa buong bansa.

Nais din ni Fr. Luego na palakasin at pagkakaroon ng pagkakataon ng mga micro entrepreneur sa Mindanao tulad ng pagtatayo ng Caritas Margins – Mindanao branch.

“Maraming programa tulad ng YSLEP at tinatignan rin natin makagawa ng Caritas Margins dito sa Davao. Para naman yung mga programa sa ibat ibang dioceses lalo na yung mga tinatawag nating products of the poor ay matulungan po kasi yun ang naging problema lagi may mga programa tayo para matulungan yung mga mahihirap mabigyan ng technology pero at the end of the day wala ring sustainability dahil Hindi man mai- market yung na – produce nila na produkto. Itong programa ng Caritas Margins napakalaking bagay nito dahil diyan mo makikita na ang mga mahihirap nating kababayan ay matulungan talaga sila na ma- market yung mga produkto nila,” bahagi ng pahayag ni Fr. Luego sa Veritas Patrol.

Bukod sa Tagum, ilang pang lugar ang paglalagyan ng warehouse ng Caritas Manila kabilang na dito ang mga lugar tulad ng Cagayan De Oro, Leyte, Bicol at Nueva Ecija na magsisilbing emergency relief operation site na tutugon sa panahon ng sakuna.

Isa ang Typhoon Pablo sa pinakamalakas na bagyo na nanalasa noong 2012 sa Mindanao region kung saan higit sa 1,000 ang nasawi habang naitala naman P8.5 bilyong ang mga nasirang mga pananim.

Sa ulat ng Pagasa, karaniwan na ang higit sa 20 bagyo ang pumapasok sa bansa kada taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 10,096 total views

 10,096 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 24,740 total views

 24,740 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 39,042 total views

 39,042 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 55,802 total views

 55,802 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 102,098 total views

 102,098 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Uncategorized
Veritas Team

Ipadama ang malasakit sa COVID-19 positive

 12,193 total views

 12,193 total views August 13, 2020 Hinikayat ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na ipadama ang pagmamalakasakit sa kapwa maging sila man ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top