31,981 total views
Pinaigting ng Caritas Philippines ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor upang mabigyan ng pagkakataon ang mga out-of-school-youths na makatapos sa pag-aaral at magkaroon ng enrollment to employment opportunity.
Sa pamamagitan ito ng paglagda ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng Caritas Philippines – Alay Kapwa Community Schooling, E-Purple Group at Aurora Galactic Equipment Corporation na kabilang sa mga nangungunang entertainment at production equipment rental sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ay inaasahang magkaroon ng mga pagsasanay sa production floor ng ibat-ibang malalaking events ang mga estudyanteng benepisyaryo ng Alay Kapwa Community schooling.
“This partnership unlocks internship and employment opportunities for Alay Kapwa Community Schooling learners, offering them the chance to: 1. Gain real-world experience on movie sets, concert stages, and theatrical; 2. Work alongside industry professionals, gaining valuable insights and skills; 3. Discover diverse career paths in lighting, rigging, sound, special effects, event management, and more,” ayon sa mensahe ng Caritas Philippines.
Kasabay ito ng mas pinalalim na kaalaman pagdating sa pag-organisa ng ibat-ibang gawain sa hinaharap na makakatulong sa kanilang paghahanap ng trabaho sa hinaharap.
Sa pagsisimula ng Alay Kapwa Community Schooling, umaabot na sa 95 Junior at Senior High School Students ang bahagi ng programa kung saan sa pagtatapos ng School 2023-2024 ay inaasahang makapagtapos ang may 32-kabataan.