Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP, nakiisa sa panawagan ng EcoWaste na ‘litter-free pilgrimage’

SHARE THE TRUTH

 2,029 total views

Nakikiisa si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa panawagan ng EcoWaste Coalition para sa ligtas at makakalikasang paggunita ng Semana Santa 2023.

Sa panawagan, hinihikayat ang bawat mananampalataya na panatilihin ang kalinisan sa pagsasagawa ng Visita Iglesia at pagpunta sa iba’t ibang pilgrimage sites upang magnilay at manalangin.

Ayon sa obispo nawa ay ipaalala sa mga mananampalataya ang panawagan sa paggunita ng simbahan ng Mahal na Araw kung saan karaniwang isinagawa ang pilgrimage at Visita Iglesia.

Nauna nang sinabi ng EcoWaste na sa paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoon ay mapagnilayan din nawa ng bawat isa ang mga pagsubok na kinakaharap ng kalikasan.

“We hope to appeal to all pilgrims to keep the pilgrimage sites litter-free and to minimize the use of single-use plastics…as we recall the passion, death, and resurrection of Jesus Christ and deepen our Christian faith,” pahayag ng EcoWaste Coalition.

Tinukoy din ng grupo ang pag-iwas sa paggamit ng mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok na nakadaragdag sa iba’t ibang polusyong nakalalason at nakasisira ng kapaligiran.

Iginiit ng EcoWaste na mahalaga ang patuloy na pagsasabuhay sa ecological conversion sapagkat makatutulong ito upang matugunan ang epekto ng climate change, pollution, at biodiversty loss.

“Together, let us use the holy days, as well as the long weekend, to turn away from practices that poison and destroy the environment and the climate with pollutants such as vehicular emissions and plastic chemicals and wastes,” saad ng EcoWaste.

Nagpapasalamat din ang EcoWaste kay Bishop David sa tulong, suporta at pakikiisa sa adbokasiya sa pangagangala ng kalikasan.

Paalala pa ng grupo sa bawat isa na bilang mga katiwala ng mga nilikha ng Diyos, marapat lamang na ibahagi at ipakita ang paggalang sa inang kalikasan lalo na sa pagsasagawa ng mga gawaing pangsimbahan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 12,193 total views

 12,193 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 20,509 total views

 20,509 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 39,241 total views

 39,241 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 55,606 total views

 55,606 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 56,870 total views

 56,870 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 2,827 total views

 2,827 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 4,697 total views

 4,697 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 9,760 total views

 9,760 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 11,813 total views

 11,813 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top