Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP official, pinayuhan ang OFWs sa Lebanon

SHARE THE TRUTH

 21,567 total views

Umapela ang opisyal ng Stella Maris Philippines sa mga Overseas Filipino Workers sa Lebanon na sundin ang anumang direktiba ng pamahalaan para sa kanilang kaligtasan.

Ayon kay CBCP Bishop Promoter of Stella Maris Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos kumikilos ang pamahalaan para maging ligtas ang mga OFW sa Lebanon sa kabila ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

“For your safety, please continue to follow the directives from the Philippine government, as they are working tirelessly to ensure your safe passage back to our country. Stay strong and keep faith. Your resilience is an inspiration to us all, and soon, you will be reunited with your families, where you can find peace and security once more,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Hiniling ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga Pilipino na himukin ang kanilang mga kaanak at kaibigan sa Lebanon na umuwi ng Pilipinas habang bukas ang mga paliparan sa naturang bansa.

Nitong August 16 inabisuhan ng Philippine Embassy in Lebanon ang mga OFW na agad lisanin ang bansa dahil sa tumitinding tensyon habang ang mga hindi makiisa sa repatriation program ay lumikas sa mas ligtas na lugar sa labas ng Beirut, South Lebanon, at Bekaa Valley.

Tiniyak ni Bishop Santos sa mga OFW sa Lebanon na kaisa ang buong bansa at ang simbahang katolika sa pananalangin para sa kanilang kaligtasan mula sa anumang kapahamakang maidudulot ng karahasan.

“The entire nation stands with you, praying for your safety and swift return home. Your perseverance and unshakable spirit are a testament to the steadfast. Filipino heart. Each day you face with hope and determination brings you closer to the embrace of your loved ones and the comfort of home,” ani Bishop Santos.

Una nang sinabi ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na libu-libong Filipino migrants ang nagnanais makauwi ng Pilipinas kung saan 356 dito ang repatriated. Sa datos may 11, 000 ang mga Pilipino sa Lebanon kabilang na ang mga undocumented individuals.

Ipinagkatiwala ni Bishop Santos sa Panginoon ang ligtas na pag-uwi ng mga Pilipino sa bansa at sa makainang pagkalinga ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 7,265 total views

 7,265 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 15,365 total views

 15,365 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 33,332 total views

 33,332 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 62,678 total views

 62,678 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 83,255 total views

 83,255 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,261 total views

 3,261 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 8,871 total views

 8,871 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,026 total views

 14,026 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top