3,253 total views
Nanawagan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ng suporta at donasyon para sa mga pamilyang matinding naapektuhan ng Bagyong Opong.
Sa facebook post, hinikayat ng CMSP ang publiko na magpakita ng pagkakaisa at malasakit sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tulong na makapaghahatid ng pagkain, tirahan, at ginhawa sa mga nangangailangan.
Dagdag ng CMSP, ang bawat tulong ay simbolo ng pag-asa at pagkalinga para sa mga kababayang nasalanta ng kalamidad.
Maaaring ipadala ang donasyon sa Metrobank Account Name na Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Inc. sa Account No.: 259-3-25907445-3 o sa GCash Account No.: 0906-236-3641.
Para sa kumpletong detalye ng pagpapadala ng donasyon, maaaring magpadala ng mensahe sa official facebook page na CMSP – Conference of Major Superiors in the Philippines.
Paalala naman ng simbahan sa publiko na mag-ingat laban sa mga kahina-hinalang indibidwal o grupo na maaaring manamantala upang makapanlinlang ng kapwa sa ngalan ng simbahan at ang nangyaring sakuna.