Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CMSP, umaasang naging makabuluhan ang Philippine electoral agenda 2025

SHARE THE TRUTH

 50 total views

Umaasa ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) na naging epektibo at makabuluhan ang naganap na Electoral Forum 2025 upang magabayan ang mga botante sa kasagraduhan o banal na tungkulin ng bawat isa sa nalalapit na halalan sa bansa.

Bilang paghahanda sa nalalapit na 2025 National and Local Elections sa Mayo ay nagkaloob ng electoral forum ang CMSP na tinaguriang CMSP’s Philippine Electoral Agenda 2025 “Boto ko, Pagasa ng Bayan Ko” noong ika-30 ng Abril, 2025 sa Mater Dei Auditorium ng St. Joseph’s College, Quezon City.

Layunin ng naganap na gawain na mabigyan ng pagkakataon ang ilang mga kandidato na makapagpakilala at ibahagi ang kanilang plataporma upang mabigyang ng pagkakataon ang mga botante na makapili ng karapat-dapat na ihalal sa lokal na pamahalaan sa nakatakdang eleksyon.

“Nagtipon tayo sa Electoral Forum na ito hindi lamang upang pag-usapan ang politika, kundi upang muling tuklasin ang banal nitong tungkulin. Sapagkat ayon kay Papa Francisco, “Ang mabuting politika ay paglilingkod sa kapayapaan”—isang kapayapaang nakaugat sa katarungan, katotohanan, at dangal ng bawat tao.” Bahagi ng CMSP.

Ayon sa CMCP ang nakatakdang halalan ay hindi lamang isang pampulitikang gawain kundi isang pagpapamalas sa mahalagang pananagutan moral at espirituwal ng bawat mamamayang Pilipino na kinakailangang seryosohin ng bawat isa.

Paliwanag ng CMSP, ang balota ay isang binhi ng pangakong kaharian ng Diyos kung saan tunay na naisusulong ang lipunang may habag, awa, at katarungang para sa lahat.

“Ang nalalapit na halalan sa 2025 ay hindi lamang isang pampulitikang kaganapan kundi isang sangandaan ng moral at espirituwal na pananagutan. Ang balota ay hindi sandata ng pansariling interes, kundi binhi ng Kaharian ng Diyos—paraan upang maitaguyod ang lipunang may katarungan, habag, at awa, ayon sa aral at pamumuhay ni Hesus.” Dagdag pa ng CMSP.

Kaugnay nito, bahagi rin ng panawagan ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang patuloy na pananalangin upang gabayan ng Panginoon maging mga kandidato para sa pagkakaroon ng kaliwanagan ng isip at paninindigan para sa paglilingkod at pagiging isang tunay na lingkod ng bayan na magsusulong ng kabutihan ng bansa sa nalalapit na 2025 Midterm National and Local Elections.

Batay sa tala ng COMELEC, aabot sa mahigit 69.6 na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections kung saan kinakailangang maghalal ng mahigit sa 18,200 mga bagong opisyal ng bayan na kinabibilangan ng 12-senador, mga partylist representatives, congressional district representatives, governor, mayor, sangguniang bayan member at iba pa.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 1,269 total views

 1,269 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 21,997 total views

 21,997 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 30,312 total views

 30,312 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 49,016 total views

 49,016 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 65,167 total views

 65,167 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 84 total views

 84 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 6,673 total views

 6,673 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top