Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

‘Copra feeds’ ng DA, makakatulong sa ‘livestock raisers’

SHARE THE TRUTH

 2,196 total views

Kinilala ng United Broilers Raisers Association (UBRA) ang Protein-Enriched Copra Meal (PECM) Commercialization Project ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Atty. Bong Inciong-Pangulo ng UBRA, makatutulong ang hakbang sa mga livestock raisers dahil mas mababa ang halaga na karaniwang aabot sa 18-piso ang kada kilo kumpara sa mga karaniwang animal feeds na gumagamit ng yellow corn, soybean meals at iba pang premium ingredients na nagkakahalaga ng 21 hanggang 68- piso ang kada kilo.

“Makakatulong ‘yan kung talagang may goal na yung kopra ay para sa feeds, makakatulong yan dahil unstable na ang sourcing ng raw materials ng feeds sa mundo, pamahal ng pamahal na,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Inciong.

Ayon pa kay Inciong, bukod sa mga livestocks raisers, matutulungan din ng proyekto ang mga copra farmers na magkaroon ng bagong pagkakakitaan.

Ang pahayag ng UBRA ay matapos aprubahan ng Department of Budget and Management ang 69-milyong pisong isinulong ng DA upang gamitim sa PECM Commercialization project.

Sa pamamagitan ng proyekto ay layuning isulong ng DA ang commercialization sa paggamit ng mga protein-enriched kopra meals bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng animal feeds upang matulungan ang mga Pilipinong nag-aalaga ng baboy at manok.

Bilang pakikiisa sa sektor una ng ipinanawagan ng Kanyang Kabanalang Francisco sa bawat pamahalaan na bigyan ng karagdagang tulong ang mga manggagawa sa agrikultura.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 137,439 total views

 137,439 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 145,214 total views

 145,214 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 153,394 total views

 153,394 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 167,985 total views

 167,985 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 171,928 total views

 171,928 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 716 total views

 716 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 7,126 total views

 7,126 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

 14,152 total views

 14,152 total views Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top