Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Deboto ng Poong Hesus Nazareno, hinimok na gunitain sa bahay ang kapistahan ng Poon

SHARE THE TRUTH

 447 total views

Sa kauna-unahang pagkakataon nanawagan ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa mga deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno na kung maari ay sa bawat tahanan gunitain ang kapistahan ng Poon.

Ayon kay Rev. Msgr. Hernando Coronel, rector at parish priest ng basilica, kaisa at napakikinggan ng Panginoon ang dalangin ng mga deboto kahit sa mga tahanan ipagdiriwang ang kapistahan nito.

“Ito lang ang pagkakataon na sinabi ng Kura, na huwag kayong pumunta sa piyesta; kung pwede magdasal nalang kayo sa mga bahay ninyo, stay at home, magdasal kasama ang pamilya sapagkat nakukuha naman natin ang grasya,” pahayag ni Msgr. Coronel sa misang ginanap sa Manila City Hall.

Ipinaliwanag ng pari na ito ay para na rin sa kabutihan at kaligtasang pangkalusugan ng mga deboto mula sa banta ng pagkahawa ng corona virus.

Naunang nakipag-ugnayan ang pamunuan ng basilica sa pamahalaang lokal ng lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno para sa pagsasaayos at paghahanda sa kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Dalangin ni Msgr. Coronel ang ligtas, payapa at malusog na pagdiriwang ng kapistahan ng Poong Nazareno lalo’t pangunahing intensyon nito na mawakasan na ang pagkalat ng pandemya sa buong daigdig lalo na sa Pilipinas at tuluyang makahanap ng lunas para dito.

Magugunitang sa taunang pagdiriwang ng Traslacion naitatala ang humigit kumulang dalawampung milyong deboto ang dumadalo sa kabuuang pagdiriwang mula Luneta hanggang makabalik sa dambana ng basilica ang imahe ng Poong Nazareno.

Hiling naman ni Msgr. Coronel sa mga deboto na dadalo sa pagdiriwang sa Quiapo Church na mahigpit sundin ang mga safety health protocol upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“Sa mga debotong hindi talaga mapigilan ang pagpunta sa Quiapo church, sumunod tayo! Magsuot ng facemask, face shield, magdala ng alcohol at mahalaga ang physical distancing,” ani ng pari.

Nagtalaga na rin ang lungsod ng Maynila ng apat na lugar kung saan makadalo ng misa ang mga debotong hindi makapapasok sa mga simbahan ang Villalobos, Carriedo, Hidalgo, at Plaza Miranda.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 24,367 total views

 24,367 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 32,467 total views

 32,467 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 50,434 total views

 50,434 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 79,510 total views

 79,510 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 100,087 total views

 100,087 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,928 total views

 4,928 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,535 total views

 10,535 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,690 total views

 15,690 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top