Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Desisyon ng SC pabor sa Altai Philippines Mining, hindi kinilala ng Bayay Sibuyan Inc.

SHARE THE TRUTH

 96 total views

Iginiit ng Bayay Sibuyanon, Inc. na hindi lisensya sa pagmimina ang naging desisyon ng Korte Suprema sa kaso kaugnay ng operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation sa Sibuyan Island.

Ayon sa grupo, ang pagsasantabi sa Petition for Writ of Kalikasan ay nakabatay lamang sa procedural requirements ng Rules of Procedure for Environmental Cases at hindi nangangahulugang ligtas o walang paglabag ang pagmimina.

Binigyang-diin ng Bayay Sibuyanon na nananatili ang Notices of Violation mula sa Department of Environment and Natural Resources, cease and desist sa causeway project, pansamantalang suspensyon ng Ore Transport Permit, at kusang paghinto ng operasyon noong 2023, bukod pa sa patuloy na pagtutol ng mga lokal na pamahalaan at residente ng isla.

“Ang mga hakbang na ito ay patunay na may seryosong isyu sa environmental compliance na hindi maaaring maliitin o balewalain,” giit ng Bayay Sibuyanon.

Ikinababahala rin ng grupo ang mahigit isang taong hindi pagtugon ng DENR sa nakabinbing petisyon para kanselahin ang Mineral Production Sharing Agreement o MPSA ng Altai, na inihain dahil sa mga alegasyon ng paglabag sa environmental at regulatory requirements.

Babala ng samahan, habang nananatiling walang malinaw na resolusyon ang petisyon, nananatiling bukas ang posibilidad ng pagbabalik-operasyon ng mina at panibagong banta sa biodiversity ng Sibuyan Island.

“Ang pagmimina sa ganitong lugar ay may malalim at pangmatagalang implikasyon sa kagubatan, kabundukan, ilog, at karagatan ng isla, at sa kabuhayan at seguridad ng mga komunidad,” ayon sa Bayay Sibuyanon.

Hinimok ng Bayay Sibuyanon ang DENR na agarang tugunan ang petisyon para sa kanselasyon ng MPSA, tiyakin ang malinaw at bukas na proseso, at higit na unahin ang pangangalaga ng kalikasan at kapakanan ng pamayanan kaysa sa anumang interes ng pagmimina.

Paninindigan ng grupo, hindi dapat pahintulutan ang large-scale metallic mining sa isang marupok at maselang likas-yaman tulad ng Sibuyan, at magpapatuloy ang kanilang laban para sa katarungang pangkalikasan at pananagutan.

Sa Laudato Si’, mariing nagpahayag si Pope Francis ng pagtutol sa pagmimina dahil nagdudulot ito ng labis na pinsala sa kalikasan at paghihirap sa mga apektadong pamayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang edukasyon ay hindi eksperimento

 46,807 total views

 46,807 total views Mga Kapanalig, may mungkahi ang Department of Education (o DepEd) na gawing trimester ang school year 2026-2027 mula sa nakagawiang apat na quarters. 

Read More »

Sa malao’t madali

 63,806 total views

 63,806 total views Mga Kapanalig, susunod kaya sa The Hague ang mga pinakamasunuring tauhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte? Pinangalanan ng International Criminal Court (o ICC)

Read More »

COMPROMISED SYSTEM OF JUSTICE

 90,788 total views

 90,788 total views Only in the Philippines! Sa ating bansa, madalas na nako-kompromiso ang hustisya. Sa Ehekutibo, sa Kongreso at Hudikatura normal na ang “compromised justice

Read More »

Ang hamon ng Kuwaresma at Ramadan

 245,279 total views

 245,279 total views Mga Kapanalig, sa pambihirang pagkakataon, sabay na inuumpisahan ng mga Katoliko at Muslim ang mahahalagang panahon sa kanilang buhay-pananampalataya.  Sa araw na ito,

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Pabasa ng Pasyon, nasa digital platform na

 2,279 total views

 2,279 total views Inilunsad ng Hallow ang makasaysayang tradisyon ng mga Pilipino na Pabasa ng Pasyon sa digital platform bilang bahagi ng kampanyang Pray40: The Return.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pabasa ng Pasyon, nasa digital flatform na

 2,353 total views

 2,353 total views Inilunsad ng Hallow ang makasaysayang tradisyon ng mga Pilipino na Pabasa ng Pasyon sa digital platform bilang bahagi ng kampanyang Pray40: The Return.

Read More »

RELATED ARTICLES

Simba kalusugan, ilulunsad ng CBCP-ECHC

 36,314 total views

 36,314 total views Ilulunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Healthcare (CBCP–ECHC) ang Simba Kalusugan, isang programang naglalayong ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa

Read More »