Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Digital Divide sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 137,407 total views

Malaking suliranin ang naghahati sa ating lipunan, at hindi ito nabibigyan ng kaukulang atensyon: ang digital divide sa ating bayan. Ang kawalan ng access sa modernong teknolohiya ay lumilikha ng agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, ng mga nasa urban at rural na lugar, at ng mga nakakalasap ng new knowledge at mga hindi naabot ng anumang uri ng komunikasyon.

Sa Pilipinas, ang digital divide ay nagmumula mula sa hindi pantay-pantay na pagkakakaroon ng internet access. Habang ang mga malalaking syudad ay nababalot ng mabilis na koneksyon at high-tech na imprastruktura, maraming pook sa malalayong lugar ang walang sapat na internet coverage. Ang kawalan ng access sa internet ay nagiging balakid sa pag-unlad ng edukasyon, trabaho, at makabagong kaalaman sa mga komunidad na ito.

Sa larangan ng edukasyon, ang digital divide ay lalong nagpapalala ng agwat sa pagitan ng mga mag-aaral. Ang mga may access sa online learning tools at educational resources ay lamang sa kanilang edukasyon, habang napag-iiwanan naman ang mga walang internet connection. Sa kalaunan, nananakawan sila ng mga oportunidad na mas mapa-igi pa ang buhay dahil sa simula pa lamang, kulang na sila sa kaalaman at impormasyon.

Ang digital divide ay hindi lamang sa access sa internet kundi pati na rin sa sapat na kaalaman upang magamit ito nang maayos. Maraming mga Pilipino ang hindi sanay sa paggamit ng teknolohiya, at ito’y nagiging hadlang sa kanilang pakikilahok sa digital na lipunan. Ang mga hindi gamay ang internet ay hirap maka-gamit ng mga online platforms gaya ng mga apps na magagamit para sa kanilang digital inclusion o kaya apps para rin sa trabaho.

Upang malabanan ang digital divide, kinakailangan ang mga malawakang hakbang mula sa pamahalaan, pribadong sektor, at sambayanan. Dapat itong magsimula sa pagbibigay ng pantay-pantay na access sa internet sa buong bansa, lalong-lalo na sa mga liblib na lugar. Ang mga programa para sa digital literacy at edukasyon ay kailangang itaguyod upang matulungan ang mga hindi pa sanay sa teknolohiya. Gawin din sanang abot kaya ang internet access sa bansa. Tinatayang nasa P1,280 ang average monthly spending para sa internet connection sa ating bayan. Napakamahal nito para sa maralitang Pilipino kapanalig.

Ang pagkakaroon ng access sa modernong teknolohiya ay hindi lamang isang karapatan kundi isang pundamental na pangangailangan upang mapanatili ang katarungan at kaunlaran sa ating lipunan. Dito na papunta ang maraming mga kalakaran sa ating lipunan, gaya ng e-commerce. Kung laglag ang marami sa ating mga kababayan sa pagsulong na ito, paano na ang kinabukasan nila? Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang mensahe sa 48th World Communications Day: “The internet, in particular, offers immense possibilities for encounter and solidarity.  This is something truly good, a gift from God.” Huwag sana natin itong ipagkait sa mga kababayan nating maralita. Iprayoridad sana ng ating pamahalaan ang pagbibigay ng mas malawak at murang access sa Internet.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,455 total views

 73,455 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,450 total views

 105,450 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,242 total views

 150,242 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,190 total views

 173,190 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,588 total views

 188,588 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 689 total views

 689 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,751 total views

 11,751 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,457 total views

 73,457 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,452 total views

 105,452 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,244 total views

 150,244 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,192 total views

 173,192 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,590 total views

 188,590 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 135,863 total views

 135,863 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,287 total views

 146,287 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 156,926 total views

 156,926 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 93,465 total views

 93,465 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 91,755 total views

 91,755 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top