12,402 total views
Umaapela ng tulong ang Diocese of Mati Social Action Center para sa mga mamamayang naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol sa Manay, Davao Oriental.
Ayon kay Diocese of Mati Social Action Director Father Orveil Andrade, patuloy na nararanasan ng mga mamamayan sa lugar ang epekto ng lindol kung saan lubhang nanatili ang pangamba sa puso ng mga Davaoeño.
Inulat ng Pari na lubhang nasira ang mga simbahan ng St. Francis Xavier Parish at Santo Niño Parish sa Kinablangan Davao Oriental at marami ding nasira sa mga simbahan at kapilya sa iba pang lugar sa lalawigan.
“May mga trauma pa rin yung mga tao, napakalakas ng lindol talaga, nahihirapan po kami, lalo na doon sa Manay actually right now, hindi pa sila nakakauwi sa kanilang bahay kasi yung bahay nila ay baka biglang matabunan sila yung paglindol sa dalawang parokya namin: yung St. Francis Xavier Parish at saka yung sa Santo Niño Parish sa Kinablangan, ay iyon talaga ang tinamaan. And then yung aming chapels na nawasak talaga ng bagyo, hindi lang partially, but totally talaga na napakalakas ng lindol,” ayon sa panayam kay Fr.Andrade sa programang Veritas Pilipinas.
Inihayag ng Pari na maaring ang tulong pinansyal sa The Roman Catholic Bishop of Mat, Inc. (RCBMI) BDO Account numbers: 4014-0164219, o sa RCMBI BPI Account Numbers: 0143-0094-94, at GCASH sa mga numero bilang 09454387863 (Maria Magdalena Durban).
“So far [sa] ngayon, yung affected families ay nasa more than 70,000. At saka yung damages ng mga bahay ay partially more than a hundred. Ang reported injured ay nasa 384. And kanina ay may namatay because of the emotional trauma. And yung mga namatay sa ospital ay nasa seven (7),” bahagi ng panayam ng Veritas Pilipinas kay Fr.Andrade.