Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

EDSA Shrine, simbolo ng pagkakaisa at malalim na pananampalataya ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

 5,569 total views

Ang EDSA Shrine ang nagsisilbing paalala sa malalim na pananampalataya at matinding pananalangin na ipinamalas ng mga Pilipino para sa kapakanan ng bayan 37-taon na ang nakakalipas.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista – chairman ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs sa ika-anim na araw ng Misa Nobernaryo para sa kapistahan ng Archdiocesan Shrine of Mary, The Queen of Peace at paggunita ng ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa Obispo, dahil sa pagkakaisa at matinding pananalangin at pananampalataya na ipinamalas ng mga Filipinong nakibahagi sa EDSA People Power Revolution ay biniyayaan ng Panginoon ang bansa ng kalayaan mula sa diktadurya.

Hinimok ni Bishop Evangelista ang patuloy na pananalangin ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria upang patuloy na biyayaan ng Panginoon ang bansang Pilipinas.

“Here in this place in this EDSA Shrine the Shrine of Our Lady Queen of Peace the Pilipino people express deep faith and prayer extensive prayer and so the grace for our country was given by God, faith and prayer. Let us continue expressing our faith and continue praying to God each day that we may gain more graces from Him through the intercession of the Blessed Virgin Mary.” Ang bahagi ng pagninilay ni Bishop Evangelista.

Pagbabahagi ng Obispo, ang pananampalataya ay isa sa tatlong pambihirang biyaya o regalo na ipinagkakaloob ng Panginoon sa mga binyagan kasama na ang pag-ibig at pag-asa.

Paliwanag ni Bishop Evangelista, walang imposible sa Diyos kaya naman mahalaga ang pagkakaroon ng bawat isa ng pananampalataya upang patuloy na manalig sa biyaya at pagmamahal ng Panginoon para sa lahat.

“Faith is a gift of God and only God can increase it in our soul, we receive the gift of faith when we were baptized. Actually we received three gifts when we were baptize, three supernatural virtues faith, hope and love. Everything is possible to one who has faith, lahat posible sa taong nananampalataya, everything is possible to one who has faith, manampalataya tayo palagi sa Diyos, walang impossible sa Diyos that’s how important faith is.” Dagdag pa ni Bishop Evangelista.

Nakatakda ang kapistahan ng dambana sa ika-24 ng Pebrero, 2023 habang gugunitain naman ang ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero, 2023.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 37,653 total views

 37,653 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 58,380 total views

 58,380 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 66,695 total views

 66,695 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 84,837 total views

 84,837 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 100,988 total views

 100,988 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 3,431 total views

 3,431 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 9,594 total views

 9,594 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top