Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gamitin ang social media sa pagpapahayag ng katotohanan

SHARE THE TRUTH

 289 total views

Ito ang binigyang diin ni Bishop Mylo Hubert Vergara ng Diocese ng Pasig sa patuloy na pagninilay ng pagpapahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon sa isinasagawang Philippine Conference on New Evangelization (PCNE5) sa Unibersidad ng Sto.Tomas.

“Sa gitna ng maraming kasinungalingan, fake news sa social media babalik tayo sa katotohanan ni Kristo at yun ang gusto nating ipahayag, we propagate the truth of Christ.” pahayag ni Bishop Vergara sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang diin ng Obispo na dapat labanan ang paglaganap ng maling balita at impormasyon o mga fake news sa bansa partikular sa social media kung saan mahigit sa 67 milyon sa mga Filipino ang aktibo.

Sa kasalukuyan ay nakararanas ng pang-uusig at pambabatikos ang Simbahang Katolika sa bansa maging ang mga lider nito at mga pastol ng simbahan na nakagagawa ng mga pagkukulang at pagkakasala habang naglilingkod sa sambayanan ng Diyos.

Dahil dito, hinamon ni Bishop Vergara ang mga pari, madre at mga relihiyoso na buong pusong tanggapin ang mga kahinaan at pagnilayan ang mga pagkukulang at hilingin sa Diyos ang paggabay, buong pusong yakapin ang pagbabago sa tulong ng Banal na Espiritu upang maging kaaya-aya ang paglilingkod sa kawan ng Diyos.

“Napakahalagang makita yung pagbabago at pagpapahalaga at pagpapanibago naming mga obispo, pari at mga relihiyoso kasi ang issue ngayon, kailangan buong pakumbabang tanggapin na may mga kahinaan kami, may mga pagkukulang din kami at kailangan magkaroon ng pagninilay at panalangin para mapalalim yung panalangin namin yung relasyon namin sa Diyos at yung paglilingkod namin sa kapwa sa tao.” dagdag ng Obispo.

Bukod dito, hinimok din ni Bishop Vergara ang bawat pari, madre at mga relihiyoso na aktibong makilahok sa social media at gamitin ang makabagong teknolohiya sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos.

Aniya, “Ang mga pari, madre, mga obispo yung involvement nila sa social media ay magbibigay ng pagtitingkad sa katotohanan ni Kristo at yung katotohanan ng Mabuting Balita ng Diyos.”

Sa tala mahigit sa 10-libo ang mga pari sa bansa na nangangasiwa sa mahigit 86 na milyong binyagang Katoliko sa Pilipinas.

Sa mensahe noon ni Pope Francis sinabi nitong ang pinagbabasehan ng katotohanan ay si Hesukristo dahil ito lamang ang tunay na maghahatod ng katotohanan sa lahat.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 24,267 total views

 24,267 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 32,367 total views

 32,367 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 50,334 total views

 50,334 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 79,410 total views

 79,410 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 99,987 total views

 99,987 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,919 total views

 4,919 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,526 total views

 10,526 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,681 total views

 15,681 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top