Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“God-centered marriage”, isinusulong ng PAG-IBIG fund.

SHARE THE TRUTH

 278 total views

Inihayag ng pamunuan ng Pag-IBIG Fund na mas palawakin pa ang paghahatid ng serbisyo sa mga Filipino.

Ayon kay PAG-IBIG Fund CEO Acmad Rizaldy Moti, bilang institusyon pinangangalagaan din nito ang paghubog sa kapakanan ng mga kasapi at maipakita sa publiko ang bunga ng kanilang pinaghihirapang kita.

Bilang balik handog matagumpay ang ikasiyam na taong “I Do, I Do! Araw ng Pag-IBIG” program ng Pag-IBIG Fund tuwing Valentines Day.

“Tinutulungan din natin ang mga mag-asawa na hindi pa kasal na mapagtibay ang kanilang pagsasama; part din ito ng corporate social activity ng Pag-IBIG at the same time highlights din sa social benefits [ng Pag-IBIG],” pahayag ni Moti sa panayam ng Radio Veritas.

Nasa 1, 000 member – couple ang nakinabang sa programa ng Pag-IBIG sa 11 lugar sa bansa kung saan 300 sa Metro Manila na ginanap sa The Tent City ng The Manila Hotel sa pangunguna ni Manila Mayor Francisco Domagoso.

Sa panayam sa alkalde, pinaalalahanan nito ang mga mag-asawa na laging kumapit sa Panginoon upang higit na mapagtibay ang kanilang samahan sa gitna ng mga hamong kakaharapin.

“Mahalaga talaga na God-centered kayo [mag-asawa] kasi yun ang magpapatibay sa pundasyon bilang mag-asawa,” ayon kay Domagoso.

Bukod sa Metro Manila, isinagawa rin ang “I Do, I Do! Araw ng Pag-IBIG” sa Bulacan, Laguna, Bicol, Cebu, Negros Occidental, Cagayan De Oro, at Davao.

Nagsagawa rin ng mass wedding ang ilang simbahan sa bansa tuwing Araw ng Puso bilang hakbang sa pagpapatibay ng mga pamilya na makatanggap ng sakramento ng pag-iisang dibdib.

Una na rito ang Prelatura ng Marawi na pinangunahan ni Bishop Edwin Dela Peña ang pag-iisang dibdib ng 44 na live in partners habang sa Our Lady of Light naman sa Diyosesis ng Tagbilaran ikinasal ang 16 na pares ng mag-asawa.

Read: https://www.veritas846.ph/kasalang-bayan-isasagawa-ng-prelatura-ng-marawi-tuwing-valentines-day/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 26,050 total views

 26,050 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 34,150 total views

 34,150 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 52,117 total views

 52,117 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 81,178 total views

 81,178 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 101,755 total views

 101,755 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,057 total views

 5,057 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,664 total views

 10,664 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,819 total views

 15,819 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top