Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Green banking policy ng BSP, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 475 total views

Muling nanawagan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa pamahalaan na pagtibayin ang mga hakbang na babawas sa pag-gamit ng karbon upang maiwasang lumala ang Climate Change.

“We reiterate, however, that we do not have time to delay the transition to a low-carbon society. Any sustainability framework from our government agencies must be measured against highest possible ambitions in alignment to climate goals,” pahayag ng Obispo sa Radio Veritas.

Inihalimbawa ni Bishop Alminaza, Vice-Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (ECSA-JP ang inisyatibo ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) na paglulunsad ng Phase 2 Sustainable Finance Framework (SFF) na layuning maisulong ang ‘Green Banking Policy’.

Ang SSF na inilunsad ng BSP noong Abril 2020 ay may layuning baguhin at ituon ang mga investment ng bawat banko sa mga programa at proyektong makakabuti para sa kalikasan sa loob ng tatlong taon.

Ikinagalak din ni Bishop Alminaza ang inisyatibo ng BSP dahil hudyat ito ng pagpapatuloy ng mga hakbang ng pamahalaan upang mahimok ang mga nangungunang bangko sa bansa upang tuluyang iwaksi at ipatigil ang pagsuporta sa mga industriyang kabilang o kaugnay sa mga coal-fired power plants.

“The government indeed has the responsibility of providing guidance in our transition pathways, and BSP is certainly making a step in this direction for the finance sector. Along with efforts of communities and civil society movements in demanding climate-aligned policies from banks, we believe the SFF’s phase 1 from April 2020 helped make an impression among bank decison-makers, such that since then at least three of our biggest banks – BPI, DBP, and RCBC – came up with announcements on plans to stop or restrict funding coal, the dirtiest fossil fuel which unfortunately provides much of the power our country uses today,” ayon pa kay Bishop Alminaza.

Nanawagan rin ang Obispo sa bawat mamamayan na himukin ang bawat bangko sa bansa na paigtingin ang mga hakbang na makakabuti para sa kalikasan at susunod na henerasyon.

“Let us encourage them to hasten in their journey to sustainability by assuring and reminding them that a future powered by clean and affordable renewable energy is what we want for ourselves and for generations to come,” dagdag pa ni Bishop Alminaza

Ikinatuwa rin ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary for Climate Change Service and Mining Concerns Atty. Analiza Rebuelta-Teh ang inisyatibo ng BSP.

kaakibat ng SFF ang BSP Circular No. 1085 na layuning ipatupad ang pagkakaroon ng mga plano sakaling maapektuhan ng natural na kalamidad ang mga bangko upang hindi maapektuhan ang pagiging balanse ng ekonomiya.

“Ang Denr ay binabati at pinapasalamatan ngugod ang Bsp sa ganitong inisyatiba. Ang climate change ay may malaking epekto sa paghadlang sa pag-unlad ng mga bangko. Dahil sa pagkasira ng imprastruktura, agrikultura, paaralan, kabuhayan , ang mga bangko ay nakakaranas ng pagbaba ng pautang, pagkabawas ng mga deposito at pagdami ng non performing loans. Kaya maging ang sektor ng bangko ay kailangang umaksyon laban sa climate related hazards,” pahayag ni Atty Teh sa Radio Veritas.

Nanawagan rin ang Opisyal sa mga mamamayan na magkaroon ng pagpapanibago sa naka-ugaliang paraan ng pamumuhay na nakakasama sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 28,769 total views

 28,769 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 46,753 total views

 46,753 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 66,690 total views

 66,690 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,598 total views

 83,598 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 96,973 total views

 96,973 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top