238 total views
April 3, 2020, 1:35PM
Hindi lamang panalangin kundi ang Simbahan ay kumikilos para sa pagkakawanggawa ng walang pinipili magkaiba man ang paniniwala, kultura at relihiyon.
Ito ang binigyan diin ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs.
“We really have a church doing something. This is not a church that not only prays but a church that also does charitable work,” ayon kay Fr. Secillano.
Ayon kay Fr. Secillano ito ang katangian ng simbahan na lumulutang sa kasalukuyan kaugnay na rin ng pandemic Corona virus disease na kinakaharap ng Pilipinas at ng buong mundo.
Sinabi pa ng pari, ilang mga katolikong paaralan, mga Parokya at mga gusali ng mga religious congregation ang nagbukas ng kani-kanilang pintuan para sa mga walang tahanan at medical frontliners.
“Huwag kaligtaan na ang simbahan natin, even though na may innovation in the way liturgist are being celebrated ang simbahan ay nasa kalye din. Ang simbahan ay nandidiyan pa rin upang maghatid din naman ng tulong, pinansyal, pagkain para malagpasan yung krisis na ito,” ayon pa kay Fr. Secillano.
Bukod sa mga frontliners at walang tahanan, ilang mga jail guards din ang pansamantalang kakanlungin sa isang paaralan sa Maynila.
Ito ay makaraang hilingin na rin ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) na magkaroon ng pansamantalang matutuluyan ang mga jail guard na dalawang linggo ng nagbabantay sa mga piitan.
Kagya’t namang nagbukas ng pintuan ang Holy Trinity School sa Balic-Balic na pinangangasiwaan ni Fr. Mark Munda para sa may 75 kawani ng city jail.
Gayundin ang mga programa ng bawat Parokya para sa pagtulong sa kanilang mga nasasakupan lalu na yaong mga dukha at kapos sa pagkain.
Bukod pa ito sa pagkilos ng social arm ng simbahan ang Caritas Manila at Caritas Philippines na may mga social action centers sa sa 86 na diyosesis sa buong bansa.
“Sa panahong ito, marealize din nawa ng taong bayan na hindi lang ang gobyerno ang gumagawa ng paraan upang malagpasan natin ang krisis na ito,”
Nagpapasalamat tayo dahil may mga private institutions na tumutulong din going out of their way or to serve the Filipino people.
Una na ring nakipagtulungan ang grupo ng mga negosyante sa Metro Manila o ang Project Ugnayan na nakalikom ng P1.5 B at nakipag-ugnayan sa simbahan para sa pamamahagi ng tulong sa mga kapus-palad.
Sa pinakahuling ulat ng Caritas Manila OPLAN UGNAYAN/DAMAYAN (kontra hunger) sa pinakamahirap na pamilya mula sa Diocese ng Cavite, San Pablo-Laguna, Diocese of Antipolo, Cubao, Paranaque, Kalookan, Malolos, Archdiocese of Manila,Diocese of Novaliches at Taytay-Palawan.
Kabuuang 232-libong urban poor families sa Quezon City ang nabigyan ng Caritas Manila ng 1,000GCs; 235-libong pamilya sa lungsod ng Manila, 216-libong pamilya sa Kalookan, 109-libo mula sa Taguig, 329-libong pamilya sa lalawigan ng Bulacan, 361-libong poor families sa Laguna, 345-libong pamilya sa Cavite at 379-libong mahihirap na pamilya sa lalawigan ng Laguna.