Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Iligtas ang sambayanang Filipino mula sa malakas na ulan, lindol at pandemya

SHARE THE TRUTH

 4,527 total views

Ito ang panalangin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kaugnay sa magkakasunod na kalamidad na nararanasan sa bansa.

Ipinagdarasal ng Obispo na gawaran ng Panginoon ang bawat isa ng lakas ng loob upang matapang na harapin ang mga pagsubok nang may pag-asa.

“Nawa’y samahan N’yo kami sa aming paglalakbay at bigyan N’yo kami ng lakas ng loob upang harapin namin nang may buong pag-asa ang Iyong kagustuhan at ang pagsunod ng Iyong mga utos at araw para sa amin. Sinasamba at pinupuri po namin ang Iyong Banal na Ngalan at nawa’y iligtas Mo kami sa sakuna at paghihirap ng aming bayan sa pandemic, malakas na ulan at bagyo,” panalangin ni Bishop Bagaforo.

Tiniyak naman ng Obispo na naghahanda na ang Caritas Philippines na tumugon sa pangangailangan ng mga posibleng biktima ng kalamidad.

Ayon sa kay Bishop Bagaforo na chairman ng Caritas Philippines, nagsasagawa na ng assessment ang mga Social Action Centers ng iba’t ibang diyosesis upang malaman ang pangangailangan ng mga residente at mga pinsalang dulot ng bagyo at lindol.

“We are in contact, yung aming humanitarian department ay 24/7 nag-contact kami simula pa noong tatlong araw na nakaraan sa lahat ng ating diocesan social action centers. Ang lahat ng ating social action centers sa mga affected dioceses ay naka-red alert at handang-handa tayo kung kinakailangan nila ng tulong,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Sa loob ng linggong ito, naranasan ng malaking bahagi sa bansa ang tuloy-tuloy na pag-ulan sanhi ng bagyong Fabian at Habagat na sanhi ng pagtaas ng tubig sa ilang bahagi ng bansa at maging sa Metro Manila.

Alas-kwatro naman ng umaga ngayong araw, nang maganap ang 6.7 magnitude na lindol sa Calatagan, Batangas na naramdaman sa Luzon. Sa kasalukuyan ay wala pang naiuulat na mga nasirang gusali o sugatan matapos ang malakas na pagyanig.

Ipinagdarasal din ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang kaligtasan ng lahat mula sa sakuna at lindol.

Read: https://www.veritas846.ph/panalangin-ni-cardinal-advincula-sa-bagyo-at-lindol/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 11,346 total views

 11,346 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,446 total views

 19,446 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,413 total views

 37,413 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,719 total views

 66,719 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 87,296 total views

 87,296 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 11,685 total views

 11,685 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top