Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapangyarihan ng internet

SHARE THE TRUTH

 413 total views

Kapanalig, lumabas na ang panibagong We are Social Report, at hindi na kagulat-gulat – isa na naman tayo sa nangunguna sa paggamit ng internet at social media.

Pang-apat tayo sa buong mundo pagdating sa haba ng oras na binababad sa social media. Bumaba na ito kumpara sa mga nakaraang taon. Pero kapanalig, tayo naman ang isa nangunguna pagdating sa panonood ng vlogs at paglalaro ng video games. Ayon sa report, 95.8%  ng mga internet users na may edad 16 hanggang 64 sa ating bansa ang naglalaro ng video games sa kanilang mga gadgets. Tayo ang pinakamaraming naglalaro ng video games. Tayo rin ang pinaka-mahilig sa mga streaming shows gaya ng Netflix. 97.9% ng mga internet users may edad 16 hanggang 64 sa ating bansa ang nanood nito kada buwan. Tayo rin ang may pinakamaraming internet users na may parehong edad na mahilig manood ng vlogs kada araw. 55.6% sa parehong age range ang nanood ng vlog kada araw.

Kung ating pagbabasehan ang mga datos na ito, nasa internet na nga ang tao at merkado ngayon sa ating bansa. Dito na tayo lahat nagkikita. Dito na tayo naglilibang. Dito na tayo nagdidiskusyon. Dito na rin tayo nagpapahinga. Dito rin, kapanalig, nadarama na rin ang pulso ng publiko. Tinatayang mahigit pa sa 76 million ang internet users sa ating bansa. Mas marami pa ito, kapanalig, sa mga rehistradong botante noong 2022 elections na umabot ng mahigit 65 million.

Malaki ang kapangyarihan ng napakadaming aktibong internet users sa ating bayan. Sobrang lakas nga kapanalig, at kaya nitong mag-cancel ng mga produkto at mga celebrities, pangmatagalan man o pansamantala. Ramdam mo sa internet, partikular na sa social media ang lakas ng kapangyarihan ng mamamayan ngayon. Sa mundo nating hindi patas, sa internet, kahit paano, nakakaramdam tayo ng pagkapantay-pantay. Nabibigyan ng boses ang mga dating laging marginalized.

Kaya nga’t ang internet, kapanalig, lalo na ang social media, ay isang oportunidad upang mapamalas at maramdaman ulit ang ang tunay na boses ng masa. Dito din, makikita natin, ang mga hinaing at aspirasyon ng mga tao. Kung magagamit lamang natin ito o mahaharness o malilinang para sa kabutihan ng balana at para sa katotohanan, mas mabilis ang pag-angat ng nakararami sa atin. Kaya nga sana magamit natin ito ng tama, gaya ng sabi ni Pope Francis sa World Day of Social Communications 2019:  kailangan nating maging mas responsable sa paggamit ng Internet. Kailangang nating kumilos upang ang Internet ay maging tunay na komunidad para sa ating lahat, at hindi lungga ng fake news at disinformation.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,963 total views

 34,963 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 46,093 total views

 46,093 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,454 total views

 71,454 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,825 total views

 81,825 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,676 total views

 102,676 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,402 total views

 6,402 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,964 total views

 34,964 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 46,094 total views

 46,094 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,455 total views

 71,455 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,826 total views

 81,826 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,677 total views

 102,677 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 94,835 total views

 94,835 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 113,859 total views

 113,859 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 96,533 total views

 96,533 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 129,151 total views

 129,151 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 126,167 total views

 126,167 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »
Scroll to Top